Bungisngis #203
Tatlong lalake ang pinatawan ng kamatayan sa Saudi Arabia, dahil sa pagdadala ng ipinagbabawal na droga; ang isa ay Tsino, isang Amerikano, at isang Pilipino. Bago sila bitayin ay binigyan sila ng karapatan na humiling ng anumang pagkain na paborito nila bilang huling hapunan.
Tatlong lalake ang pinatawan ng kamatayan sa Saudi Arabia, dahil sa pagdadala ng ipinagbabawal na droga; ang isa ay Tsino, isang Amerikano, at isang Pilipino. Bago sila bitayin ay binigyan sila ng karapatan na humiling ng anumang pagkain na paborito nila bilang huling hapunan.
Kinaumagahan, ang unang tinanong ay ang Tsino, kung ano ang paborito niyang
pagkain. “Tsiken mami, 3 pansit canton, 2 mangkok na siomai, limang siopao, at isang
pitsel na tsaa.” Inubos niya itong lahat, at pagkatapos ng maraming sinok at dighay nito, siya ay binitay.
Sumunod na tinanong ay ang Amerikano,
“Four McDonald hamburgers, 3 diet coke, 2 beef steak, 6 sausages, a big ham, and 2 bottles
of red wine!” ...ang mga hiniling nito, at matapos ang mahabang hapunan (pinilit na ubusin), hihinga-hinga ito nang matapos, at madaling binitay.
Kinabukasan, ang huling tinanong ay ang Pilipino. “Ikaw naman Filipini, Anong
gusto mong hapunan?” Ang paangil na bulyaw ng Arabong berdugo.
“Mga hinog na manggang damulag lamang.”
Ang mahinahong tugon ng Pilipino, na hindi nakatingin at abala sa pagsuma ng
numero sa huweteng at lotto.
“Anoooo????
Mga hinog na mangga lamang, at manggang damulag pa???? Aba’y wala kaming manggang ganyan dito sa
Saudi Arabia,” nanlalaki ang mga mata at iwinawasiwas pa ang mga kamay, “At hindi pa panahon ng mangga ngayon!”
Ang may pagkabalisang pahayag na nauutal ng Arabong berdugo, kasabay pa ang malakas na pag-iling ng kanyang ulo habang kinakamot niya ito.
Ayon sa balita ng Saudi Arabian News, hanggang ngayon
ay wala pang makitang hinog na manggang
damulag ang pamahalaan ng Saudi Arabia. Tsk, tsk, tsk, talagang kakaiba ang
Pilipino, basta sa pagdiskarte ay may
palusot na paraan.
Basta may kapakinabangan,
ay ginagawan ng paraan at nilulusutan.
No comments:
Post a Comment