Wednesday, January 14, 2015

Huwag na 'Lang

Bungisngis #114  
Isang umaga, matamlay na dumating si Boboy sa kanto, sa may wakas ng Baranggay Kupang. Dinatnan niya si Pekto na naghihintay ng may makakausap.
Pekto: “Pare, sambakol ang mukha mo ah, may problema ba?”
   Boboy: Sangkaterba, pare. Umalis nga ako ng bahay para magpalipas ng galit.”
Pekto: Bakit, nag-away na naman ba kayo ni kumare, ha?
   Boboy: Pangkaraniwan na sa amin 'yan. Laging putak at hindi tilaok ang namamayani sa loob ng bahay namin. Mahirap talaga ang ispelingin ang mga babae, maraming hinahanap, laging may isyu! Bawat kilos ko may kahulugan at laging kulang!"
Pekto: “Wala ‘yan pare, kulang lang sa pansin si kumare. Pare, iwasan mo ang maghimutok. Madaling lunasan 'yan, gumaya ka sa akin, tignan mo ako!”
   Boboy: Hah? Hindi puwede, pare, eh, lalong dadami ang problema ko.”
Pekto: Bakit mo naman nasabi ‘yan.”
   Boboy: “Kkkasi, pare…itsura ng pinutukan ng de-sabog ang mukha mo!

Paminsan-minsan ay magsalamin, nang makita ang uling at hindi maduling.


No comments:

Post a Comment