Tuesday, December 21, 2021
Nasaan ang Makapangyarihang Diyos?
Bawat isa sa atin ay may karapatan, ang lehetimong kapangyarihan
natin na tamasahin ang lahat ng kaluwalhatian na nakatakda para sa atin. Likas at
kusa sa bawat tao na maranasan ang prosesong ito para sa kanyang sarili.
Minsan
habang nagbabasa ng bibliya si pastor Mateo, ay may nagtanong sa kanya. "Pastor, magbibigay ako ng malaking
donasyon sa darating na Linggo kung masasabi ninyo sa akin, kung saan
nakatira ang Diyos?"
Madali tayong makalimot na tayo mismo ay nilalang na kawangis Niya, at ang Kanyang
Kaharian ay matatagpuan lamang sa ating kaibuturan. Sapagkat lahat ng kasagutan
sa ating mga katanungan ay ipinagkaloob na sa atin. Hindi pa tayo isinisilang,
alam na Niya kung sino ikaw, siya, ako, sila, lahat tayo at walang itinatangi
sinuman. Ang kailangan lamang ay sisirin at alamin natin ang Kaharian ng Diyos
na nasa ating kaibuturan.
Ang Kaharian ng Diyos ay nasa kaibuturan mo. Lucas
17:21
Kahalintulad ito ng pinakamahal
na diyamante na nakabalot ng ginto sa kaibuturan natin at palagi nating
dala-dala saan man tayo naroroon. Ang problema lamang nito, ay patuloy mong
hinahanap kung saan-saan, sumasang-ayon kahit kaninuman, at maging maghaka-haka ng kalangitan sa sansinukob, maliban ang sisirin ito sa pusod ng iyong
kaibuturan kung saan ito ay nakakulong. Tanging ikaw
lamang ang makapagpapalaya
nito at wala ng iba pa. Hindi kailangan ang pari, ministro, pastor o
maging sinumang propeta para mamagitan sa iyong mga panalangin.
Kayo ay mga diyos. Juan 10:34
Ang
bilangguang ito ay ikaw mismo ang lumikha, simula nang ikaw ay magkaisip at
sundin ang payo at sulsol ng iba, maliban sa alamin ito
mismo mula sa iyong kaibuturan. Kailangang buwagin at tuluyan nang
iwaglit sa iyong isipan ang mga
imahinasyon, mga milagro, at mga pantasiya na nilikha at patuloy mong
kinawiwilihan sa iyong sarili. Hindi ito ang makapagliligtas sa iyo sa
kapahamakan.
Hindi mo kailangan ang mga alamat at
pantasiya o mga idolo at diyos-diyusan mula sa mga bulaan at mapagkunwaring mga
banal, sapagkat...
Kapag
ikaw ay naniniwala at taos sa iyong puso ang pagmamahal at pagmamalasakit;
Kapag
nananangan ka sa Pag-ibig, Pag-asa, Katarungan, at Kapayapaan maging sa panahon
ng kadiliman at mga kapighatian;
Kapag ikaw ay mapagkumbaba, mahinahon at
magiliw kahit kaninuman;
Kapag
ikaw ay may pananalig, debosyon, at maligayang tinutupad ang iyong hangarin
kung bakit
narito ka sa mundong ito. At kung ang dasal mo ay magpasalamat, ito ay sapat na.
Kung ang mga ito ay nagagawa mo sa araw-araw
ng iyong buhay, walang balakid o anumang bagay ang makahahadlang pa sa iyo para
maging mapayapa at maligaya. Hindi mo kailangan ang mga patakaran, mga kautusan
ng mga banyaga o, mga banta at mga panakot ng mga bulaang propeta, pari, ministro o pastor. Hindi mo
ginagaya at pikit-matang sinusunod ang kultura at alamat ng ibang lahi kundi
ang sarili mong pinagmulang lahi at kulturang Pilipino, At...
Bilang tunay na Pilipino, malaya kang
sundin ang itinitibok ng iyong puso at gampanan nang walang bahid ng anumang
pag-aalinlangan ang Kaharian ng Diyos na nasa iyong kaibuturan.
Kayo ay templo ng Diyos, at ang ispirito ng Diyos ay nasa
kaibuturan ninyo!
I Mga Taga-Korinto 3:16
Labels:
BATHALA
AKO, Ang Maging Uliran ay Tunay na Kaligayahan
Labels:
Batingaw
Sunday, November 28, 2021
Magtanong Sapagkat Kailangan Upang ang Pagkakamali ay Maiwasan
Labels:
Busilak
Mahalagang Mag-ingat sa Anumang Pagkakataon
Labels:
Banyuhay
Saturday, October 30, 2021
Ang Ating Ama ay Diyos at Bilang mga Anak Niya, Tayo'y mga Diyos din
Bawat isa sa atin ay may karapatan, ang lehetimong kapangyarihan
natin na tamasahin ang lahat ng kaluwalhatian na nakatakda para sa atin. Likas at
kusa sa bawat tao na maranasan ang prosesong ito para sa kanyang sarili.
Minsan
habang nagbabasa ng bibliya si pastor Mateo, ay may nagtanong sa kanya. "Pastor, magbibigay ako ng malaking
donasyon sa darating na Linggo kung masasabi ninyo sa akin, kung saan
nakatira ang Diyos?"
Madali tayong makalimot na tayo mismo ay nilalang na kawangis Niya, at ang Kanyang
Kaharian ay matatagpuan lamang sa ating kaibuturan. Sapagkat lahat ng kasagutan
sa ating mga katanungan ay ipinagkaloob na sa atin. Hindi pa tayo isinisilang,
alam na Niya kung sino ikaw, siya, ako, sila, lahat tayo at walang itinatangi
sinuman. Ang kailangan lamang ay sisirin at alamin natin ang Kaharian ng Diyos
na nasa ating kaibuturan.
Ang Kaharian ng Diyos ay nasa kaibuturan mo. Lucas
17:21
Kahalintulad ito ng pinakamahal
na diyamante na nakabalot ng ginto sa kaibuturan natin at palagi nating
dala-dala saan man tayo naroroon. Ang problema lamang nito, ay patuloy mong
hinahanap kung saan-saan, sumasang-ayon kahit kaninuman, at maging maghaka-haka ng kalangitan sa sansinukob, maliban ang sisirin ito sa pusod ng iyong
kaibuturan kung saan ito ay nakakulong. Tanging ikaw
lamang ang makapagpapalaya
nito at wala ng iba pa. Hindi kailangan ang pari, ministro, pastor o
maging sinumang propeta para mamagitan sa iyong mga panalangin.
Kayo ay mga diyos. Juan 10:34
Ang
bilangguang ito ay ikaw mismo ang lumikha, simula nang ikaw ay magkaisip at
sundin ang payo at sulsol ng iba, maliban sa alamin ito
mismo mula sa iyong kaibuturan. Kailangang buwagin at tuluyan nang
iwaglit sa iyong isipan ang mga
imahinasyon, mga milagro, at mga pantasiya na nilikha at patuloy mong
kinawiwilihan sa iyong sarili. Hindi ito ang makapagliligtas sa iyo sa
kapahamakan.
Hindi mo kailangan ang mga alamat at
pantasiya o mga idolo at diyos-diyusan mula sa mga bulaan at mapagkunwaring mga
banal, sapagkat...
Kapag
ikaw ay naniniwala at taos sa iyong puso ang pagmamahal at pagmamalasakit;
Kapag
nananangan ka sa Pag-ibig, Pag-asa, Katarungan, at Kapayapaan maging sa panahon
ng kadiliman at mga kapighatian;
Kapag ikaw ay mapagkumbaba, mahinahon at
magiliw kahit kaninuman;
Kapag
ikaw ay may pananalig, debosyon, at maligayang tinutupad ang iyong hangarin
kung bakit
narito ka sa mundong ito. At kung ang dasal mo ay magpasalamat, ito ay sapat na.
Kung ang mga ito ay nagagawa mo sa araw-araw
ng iyong buhay, walang balakid o anumang bagay ang makahahadlang pa sa iyo para
maging mapayapa at maligaya. Hindi mo kailangan ang mga patakaran, mga kautusan
ng mga banyaga o, mga banta at mga panakot ng mga bulaang propeta, pari, ministro o pastor. Hindi mo
ginagaya at pikit-matang sinusunod ang kultura at alamat ng ibang lahi kundi
ang sarili mong pinagmulang lahi at kulturang Pilipino, At...
Bilang tunay na Pilipino, malaya kang
sundin ang itinitibok ng iyong puso at gampanan nang walang bahid ng anumang
pag-aalinlangan ang Kaharian ng Diyos na nasa iyong kaibuturan.
Kayo ay templo ng Diyos, at ang ispirito ng Diyos ay nasa
kaibuturan ninyo!
I Mga Taga-Korinto 3:16
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
BATHALA
Tanging KATOTOHANAN lamang, at Wala nang Iba pa
Matapos ang maghapon, ang mga katanungang itatanong natin sa ating mga sarili ang siyang magpapasiya kung SINO tayo at kung ANO ang magaganap sa atin.
1- Maligaya
siya kung saan ang katotohanan ay kanyang nababatid, hindi nang makukulay na
talumpati o hungkag na salita, bagkus sa kanyang kamulatan.
At nakahihigit pa ang isinasakatuparan ang mga ito.
2- Ang ating mga opinyon o mungkahi at ang ating mga nadarama
ay laging ipinagkakanulo tayo sapagkat hindi nila nakikita ang kanilang mga
sarili. Paanas at paimpit ang kanilang mga taghoy na nagiging katotohanan sa
mga ginagawa.
3- Anong silbi nito para sa atin na alamin at pagtalunan ang
mga walang katuturan at mga bagay na lihim kung hindi naman tayo masisisi kung
wala tayong nalalaman sa araw ng paghuhukom.
4- Isang kahangalan ang pansinin at usisain ang mga masalimoot
at mapanakit na mga bagay habang pinapabayaang tuklasin ang mga pangangailangan
at nakapagdudulot ng kasaganaan. Tayo, na may mga mata, ay hindi nakakakita.
Tayo, na may mga tainga, ay hindi makarinig. Tayo, na may bibig, ay hindi
makapagsalita. Patuloy na natutulog o nagtutulog-tulugan sa mga kaganapan. Mananatili
na lang ba tayong sakbibi ng siphayo at pighati?
5- Bakit tayo nahuhumaling sa mga palabas at libangan na
walang kapupulutang kabutihan at kaunlaran, bagkus nagagawang manhid pa ang
ating mga pagkatao at walang pakikialam. Nauuwi sa pagkakawatak-watak at walang
direksiyon na patutunguhan.
6- Siya na kung saan ang salita na walang hanggan ay
nangungusap; ay nakaligtas mula sa maraming opinyon. Mula sa Salita dumating ang lahat, at ang lahat ng
bagay ay nangungusap ng Salita.
Walang tao kung walang Salita ang
makauunawa o tamang humatol kaninuman
7- Siya para sa kanya ang lahat ng bagay ay isa, at nagagawang mapag-isa ang lahat ng bagay, at nakikita ang lahat
ng bagay ay isa, ay magiging matatag
ang puso at tinatamasa ang kapayapaan sa Diyos.
8- Aking Panginoon ng katotohanan
gawin mo akong kaisa sa Iyo sa walang
hanggang pag-ibig.
9- Lagi akong napapagod na mapanood, madinig at mabasa ang
maraming bagay na walang kabuluhan. Tanging sa Iyo, O aking Diyos, ang akin
lamang na kailangan at lahat ng aking pinakamimithi.
10- Hayaan ang lahat ng tagapagturo ay tumigil at manahimik, at
lahat ng nilalang ay tumahimik. Hayaang lahat ay manatiling katahimikan upang
marinig ko ang Diyos na kinakausap ako.
11- Hangga’t ibayong nakikipag-isa ang tao sa Diyos, ibayo din
siyang makauunawa, sapagkat ang liwanag ng pagkakaunawaan ay nanggagaling sa
kalangitan.
12- Ang wagas, dalisay, at mapagkumbabang diwa ay hindi
nagagambala ng mga bagay sapagkat ginagawa niya ang lahat ng mga bagay sa
kaluwalhatian ng Diyos, at nagpupunyaging palayain ang sarili mula sa mga
pag-uusisa, at walang kabuluhang taltalan.
13- Anumang humahadlang at bumabagabag sa iyo ay higit pa sa
iyong sariling kapalaluan.
14- Ang isang mabuti at masugid na tao ay unang ipinapasiya sa
kanyang sarili ang mga bagay na kanyang planong gawin. Ang mga planong ito ay
hindi maghahatid sa kanya sa makamundong pagnanasa at bisyong makamkam,
nasusupil niya ang mga ito sa pamamagitan ng makatwirang kaisipan.
15- Sino ba ang may matinding pakikihamok kaysa doon sa
gumagamit ng lakas upang talunin ang kanyang sarili? Ito ang kailangan nating
gawain. Ang talunin ang ating mga sarili sa araw-araw, palakasin at pagyamanin
ang ating mga diwa.
16- Ang kasakdalan sa daigdig na ito’y may mga bahid ng
kapintasan nito, at ang ating maningning na kabatiran ay mayroong mga aninong
nagkakanlong dito. Sapagkat higit na magniningning ang liwanag kung ito’y
nakatanglaw sa karimlan.
17- Ang
mapagkumbabang kabatiran sa iyong sarili ay katanggap-tanggap sa Diyos kaysa sa
paghabol at pagtuklas sa makamundong kaalaman.
18- Ang pagkakatuto o karaniwang kabatiran sa mga bagay ay hindi kailangang iwasan. Ito ay mabubuti
at katanggap-tangap sa Diyos; subalit ang may malinis na konsensiya at marangal
na buhay ay kailangang higit na pagtutuunan at makamtan.
19- Sapagkat karamihan ay pinili ang magpakarunong kaysa
matiwasay na buhay, patuloy silang napapahamak at ipinagkakanulo gaano man ang
ibinubunga o saysay ng mga ito.
20- Kung ang mga tao ay lubos na magsisikhay kumilos; sa
pagbunot sa ugat ng mga masasamang bisyo at katiwalian, at magtanim ng mga
kagandahang asal at pawang kabutihan, katulad ng paghahanda ng mga katanungan,
walang mangingibabaw na kabuktutan sa daigidig.
21-Sa araw ng kahatulan; nakatitiyak hindi tayo tatanungin kung
ano ang natutuhan natin, bagkus kung ano ang ating mga nagawa, hindi ang ating
mga binigkas na pangungusap, bagkus kung papano tayo nagpakumbaba sa naging
buhay. Ano ang ginawa mo sa iyong hiram na katawan at sa pangalang ipinagkaloob
sa iyo?
22- Sagutin mo ako, nasaan ngayon ang mga dakilang tao na iyong
kilala, nakita o nadinig habang nagsasalita noong sila ay nabubuhay? Ngayon,
ang iba ay tinatamasa ang katulad na posisyon. Sila naman ang pinupuri at
pinapalakpakan, at sa aking palagay, sa kalasingan ng tagumpay hindi man lamang
nila naiisip ang mga naunang tao. Gayong ang lahat sa mundong ito’y matuling
lumilipas, kumukupas at tuluyang naglalaho. Sa panahon ng kanilang buhay,
kilala at tanyag sila. Ngunit ngayon walang nakakakilala o nagsasalita tungkol
sa kanila.
23- Kung ang kanilang mga buhay ay nagampanan katulad ng
natapos na mga karunungan, patuloy silang magiging maligaya hanggang sa
kanilang paglisan.
24- Marami ang mga napapahamak sa mundong ito dahilan sa
kahangalang makasarili; magpakatalino, magpakayaman, at manatili sa
kapangyarihan upang malubos ang kasiyahan at makalimutan ang maglingkod sa
kapwa. Wala silang kabatiran na nasa paglilingkod lamang masusumpungan ang
hinahanap na kaligayahan. Walang pagsasaalang-alang na ito’y kaluwalhatian sa
Diyos. Sapagkat mas gugustuhin pa nilang maging sikat at kinahuhumalingan kaysa
maging mababa at makapaglingkod.
25- Siya na tunay at wagas na dakila ay mapagkumbaba at
mahinahon, hindi naghahanap, nanghihingi, at nagtatampisaw sa mga parangal,
papuri, at hungkag na palakpakan. Tunay at dakila dahil may kawanggawa at
pagmamalasakit. Tanging may kawili-wiling kabatiran na ang lahat ng makamundong
pagnanasa ay mistulang mabahong pusali na kinakailangang linisin at pagandahin
upang maging katanggap-tanggap sa Diyos. At siya na tunay na nakakaalam ang nagsasagawa sa
kagustuhan ng Diyos at tinatalikdan ang sariling kagustuhan.
Ang katotohanan lamang ang makapagpapalaya sa atin.
Jesse Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
BATHALA
Wednesday, September 29, 2021
Pambansang PagbabaGO
PAGKAKAISA
Upang magkaroon ng gising at mulat na
isipan na may pagmamalasakit sa iba, kailangan nating talikdan ang mga
kaisipang kundisyunal at mga limitadong pakikiungo na sumusukat sa kakayahan at
kagalingan ng isang tao. Kung magagawa natin na magpakumbaba na bukas ang
isipan at buong puso nating tatanggapin ang sinuman nang walang kahatulan,
magiging malaya mapagmahal, at mapayapa ang ating mga pagsasama.
PAGTUON
Kung papaano natin itinutuon ang ating
atensiyon sa mga makabuluhan at nagpapaunlad na mga bagay, ay tahasang
makapagpapabago sa ating mga buhay. Iniwawasto nito ang masalimoot na mga
kuneksiyon sa ating mga utak patungo sa mahusay at mapagmalasakit na paraan ng
pamumuhay. Kailangan nating bungkalin at pagtibayin ang ating mga kamulatan
upang paunlarin na maging matibay at matatag ang ating mga isipan upang ganap
nating tamasahin ang kaligayahan ng kabutihan kung malinaw ang pagtuon na
nangingibabaw sa ating mga puso.
KATANUNGAN
Sa pagtatanong at pagbabago ng mga mali at
negatibong mga paraan, nauunawaan natin ang ating mga sarili, at natatagpuan
natin ang kaligayahan sa pagiging malaya.
May dalawa tayong kapangyarihan; 1) Kapangyarihan na pumili. …at 2)
Piliin ang tama. Anuman ang naging kalagayan natin ngayon, tayo mismo ang
pumili nito. Hindi ito mangyayari kung wala tayong pahintulot. Kahit papaano
tayo ang pangunahing sangkot o may kagagawan kung bakit napunta tayo sa
kasalukuyang kalagayan. Kung nais mo itong mabago, hindi pa huli ang lahat. hanggat humihinga, may pag-asa pang natitira.
Ang paraan ng pakikipag-usap mo sa iyong
sarili, kasama na ang mga bulong sa iyong batok, ay patuloy na hinuhubog ang
iyong pananaw, ang iyong mga pakiramdam, at pati na mga ugat at mga koneksiyon
sa iyong utak.
Marami sa atin ang hindi nakakaalam na kapag kinakausap natin ang ating
sarili, lalo na kung pinipintasan natin ito, ito ang tahasang mangyayari.
“Tanga kasi ako!” “Lahi kami ng mga tamad!” "Mahirap lamang kami at walang mga
karapatan!” Binabawasan nito ang iyong pananalig at pagtitiwala sa sarili.
Hindi katakatakang ito nga ang magaganap sa iyo.
Anuman ang iyong iniisip, maganda, mabuti, pangit o masama para sa iyong
sarili, ito ang gagawin mo. Magsisimula muna sa isang kaisipan, gagawa ng
aksiyon, at magkakaroon ng resulta.
SARILING MUNDO
Hindi tayo nakikiayon nang ganap sa mga
realidad kapag pinaglilimi at sinisiyasat natin ang ating mga sarili.
Napapansin natin anuman ang ating napansin sapagkat ito tayo mismo. Nililikha
natin ang ating mga sarili kung ano ang nais nating pansinin. Kapag nagsimula
nang tanggapin natin ang kaganapang ito, ginagampanan na natin ang mundo na
ating nilikha. Hindi natin napapansin ang anumang bagay kundi yaon lamang na
mga bagay na nagpapatunay kung ano ang talaga ang ating iniisip tungkol sa kung
sino talaga tayo. Sakalimang magtagumpay tayo na makaalis sa normal na mga
proseso ng makasariling pagtangkilik at magagawang tignan ang ating mga sarili
nang ganap na gising, mayroon tayong kakayahan na magbago. Mapapalaya natin ang
sarili sa bilangguan ng pagkatulog. Mapapansin natin ang mga bagay na
nagbabago. Kung ikaw man ay nababalisa sa mga bagay na eksternal, ang pasakit
ay hindi mula sa bagay na ito mismo kundi sa iyong pag-istema nito, at ikaw ay
may kapangyarihan na pawalang bisa ito sa lahat ng sandali.
MAHALIN ang SARILI
Maging maingat sa iyong sarili. Maging
magiliw at mabuti sa iyong sarili. Kahit na hindi ka perpekto, ikaw lamang at tanging
sarili mo lamang ang iyong hawak sa ngayon at kailangang pagbutihin mo ang
pakikitungo tungkol dito. Ang proseso kung sinuman ang nais mong maging ikaw ay
nagsisimula sa ganap na pagkilala sa iyong buong pagkatao. Ang nag-iisang
hakbang ay hindi makagagawa ng landas sa mundong ito, maging ang isang kaisipan
ay hindi magkakaroon ng direksiyon sa isipan. Upang magkaroon ng malalim na
landas sa pag-iisip, kailangan patuloy nating isipin ang mga bagay na nais
nating maging tayo nang paulit-ulit hanggang masanay ang ating kaisipan, kung
ito ang nais nating mangibabaw at makapangyari sa ating buhay.
Huwag maliitin o hamakin ang kapangyarihan
ng Pag-ibig, at konsiderahin… na maging ang isang kandila ay magagawang
magliwanag ang gabi at itaboy ang kadiliman.
Ang
pagkamuhi kailanman ay hindi matatapos ng isa pang pagkamuhi, kundi tinatapos
lamang ito ng Pagmamahal. Ito ang walang hanggang katotohanan.
PAGKATAO
Papaano na ang isang bulaklak ng rosas ay namumukadkad at nagsasaboy ng halimuyak sa kanyang
paligid? Sapagkat ito ang kanyang nakatakdang
kaganapan. Papaano naman ang tao, siya ba ay nagpapakatao at
ginagampanan nang mahusay ang kanyang pagkakalitaw sa mundo?
Magsuri po tayo nang tayo naman ay magising
sa mahabang pagkaka-idlip.
Ito ay nasusulat: Kapag may mahalagang mga katanungan, lumilitaw ang
mahalagang mga kasagutan.
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Busilak
Matiwasay na Pamumuhay
Buhay na hindi
kinilatis,
ang kasasadlakan ay
kahapis-hapis.
Ang batas ng
inertia o nakatigil ay nangyayari lamang kung walang magpapakilos sa isang
bagay. Wala itong kakayahan na kumilos na mag-isa. Ang isang katawan na nasa
mosyon (kumikilos) ay mananatiling
nasa mosyon, sa parehong tulin at parehong direksiyon, hanggang walang
nakikialam na puwersa sa labas nito para ito patigilin.
May isang pangunahing pagkakaiba ito,
ang batas na ito ay akma at puwedeng maihalintulad sa mga nagaganap sa ating
buhay.
Narito ang ilan sa mga natuklasan ko:
1.
Ang mga tao na masipag, matiyaga, at may disiplina
ay may mararating.
2.
Ang mga tao na matapat, may pananalig, at
pagtitiwala sa sarili ay matagumpay.
3.
Ang mga tao na patuloy ang tagumpay ay mananatiling
matagumpay.
4.
Ang mga tao na masayahin ay mapayapa at maligaya.
5.
Ang mga tao na uliran ang pamumuhay ay iginagalang at may ulirang reputasyon.
6.
Ang mga tao na mapagpasalamat at mapaglingkod ay
maraming oportunidad sa buhay.
7.
Ang mga tao na dumadalangin sa tuwina ay laging
pinagpapala;
matiwasay at masagana ang kanilang buhay.
Sa pag-aaral tungkol sa kalikasan at mga
kapangyarihan nito sa agham at pisika (physics), ang inertia ay
kinokontrol ng
panlabas na mga puwersa. May nagwika; “Ang pinakadakilang natuklasan sa
ating
henerasyon ay mababago ng tao ang kanyang buhay kung papalitan lamang
ang mga
saloobin ng kanyang isipan.” Sapagkat anuman ang iyong nasa isipan, ito
ang iyong saloobin at magiging kapasiyahan. Walang dapat na sisihin kung
mali ang mga saloobin. Kung mabuti ang iniisip, ang resulta nito ang
makakasagip.
Magagawa mong mabuhay sa bawat araw ng iyong buhay; magsisimula ang lahat
sa dulo ng iyong mga kamay.
Jesse Navarro Guevara
Lungsod ng Balanga, Bataan
Labels:
Banyuhay
Subscribe to:
Posts (Atom)