Kung matatawag ka at pagsasalitain sa ibabaw ng entablado at sa harap pa ng marami,
nakakaramdam ka ba ng pangamba at nababalisa sa mangyayari sa iyo? Kung ikaw ay
kinakabahan na tila isinasalang sa ihawan, makakatiyak kang alumpihit na ang
daga sa iyong dibdib at nais nitong makawala.
Bakit nagaganap ang mga karahasan, mga
kabuktutan, mga nakawan at pang-aabuso sa mga karapatang pantao?
Mga Kadahilanang Humihingi ng Kasagutan at Katarungan
-Dahil wala kaming kamuwangan o pakialam kung bakit
patuloy ang aming mga paghihirap.
-Dahil kaunting bubong, karampot na tutong at kaputol na
isdang tuyo ay masaya na kami.
-Dahil may mga panooring na panandaliang libangan sa
telebisyon at palipasan ng oras para makalimot.
-Dahil higit na nakakaaliw ang mga katatawanan lalo na
kung mga bakla ang pinagtatawanan.
-Dahil higit na
mainam ang salaping hawak mula sa ibenentang boto kaysa sa integridad ng
kandidato.
-Dahil walang hustisya at yaong may mga salapi lamang ang
tunay na nakapangyayari at nasusunod.
-Dahil gaano mang pagsisikhay ang gawin, kung kami ay
pulubi pawang kakapusan ang iniisip namin.
-Dahil naangyari ito sa mga magulang, nakakatiyak na ito
din ang mangyayari sa anak at sa apo namin.
-Dahil mabuti na ang maghintay na lamang kaysa makibaka
sa mga paghamon para hindi mapahamak.
... at, Dahil
tinanggap na namin ang kawalan ng pag-asa na walang makakatulong sa aming mga
karaingan.
Ito ang aming kaugalian: Natutuhang Kawalan ng Pag-asa