Monday, October 27, 2014
Sunday, October 26, 2014
Sunday, October 19, 2014
Monday, October 13, 2014
Tamang Pagpili Lamang
Ang kapangyarihan na magtatakda ng iyong kinabukasan ay
nasa dulo ng iyong mga kamay.
Ngayon ang araw
na simula, upang ipamuhay ang katuparan ng iyong mga pangarap! Simulan at ang lahat ay madali na
lamang. Narito ang panimula ng mga tamang pagpili, sapagkat ang mga
pagpiling ito ang siyang magpapakilala ng iyong magiging pagkatao at tatahaking kapalaran.
Kahit na kung saan ka man ipinanganak o kung anuman
ang iyong tungkulin sa buhay, edukasyon o antas ng pamumuhay, ang kapangyarihan
na magtatakda at siyang makakaapekto sa iyong magiging kinabukasan ay
nakasalalay sa iyong mga kamay. Ang iyong kasalukuyang kalagayan ay hindi
madedetemina kung saan ka magtutungo; ito ay kusang madedetermina kung saan ka
magsisimula. Ngayon, sa araw na ito!
Ang kasagutan
nito ay ito: Anuman ang iyong pinili
ay siya mong makukuha. Limang taon mula sa araw na ito, ikaw ay magiging
eksakto ng parehong pagkatao na nasa iyo ngayon, maliban lamang doon sa mga pagpili na
iyong gagawin magmula ngayon. Ito ang magpapasiya ng malaking kaibahan sa iyo
ngayon, …at sa magiging ikaw sa hinaharap.
Gumagawa
ka ng maraming pagpili sa bawa’t araw—kung ano ang isusuot, ano ang
kakainin sa agahan, kung saan dadaan patungo sa trabaho, sino ang kakausapin, atpb. Ito ay sapilitan at kinakailangang mga pagpili para mapadali ang iyong mga
gawain sa maghapon. Sapagkat kung walang direksiyon at patama-tama lamang ang mga pagkilos mo, lalo na tungkol sa iyong sarili... ay makakatiyak ka, na anuman ang dumating sa iyong buhay, ito na lamang ang pagtitiyagaan mo.
Subalit magagawa mo ding piliin sa pagitan ng
mga kapasiyahang ginagawa mo sa maghapon; ang mga bagay na makakatulong sa iyo para mapadaling mabago
ang iyong buhay para sa iyong ikakatagumpay. Ang mga makabuluhang pagpili na ito ay matalinong mga desisyon
na makapagpapabago sa direksiyon ng iyong sarili—nagagawa nito na maisaayos ang
iyong pananaw tungo sa tagumpay… at higit na mahalaga, at sadyang natatangi, ...nasa
iyo ang pagpapasiya.
Ikaw lamang at wala ng iba pa ang tanging makakagawa nito para sa iyo.
Ikaw lamang at wala ng iba pa ang tanging makakagawa nito para sa iyo.
Ang
mga tao na hinahangaan at mga huwaran ay hindi nabubuhay sa pagtupad ng mga
nakalistang gagawin (to-do list); bagkus
nabubuhay sila sa pagtugon kung papaano mapapabuti ang kanilang mga pagkatao (to-be list), nang hindi na kailangang
huminto pa, kundi ang magpatuloy na makagawa ng malaking kaibahan. Upang makagawa
ng ektra-ordinaryong bagay, kailangang ang extra-ordinaryong kaisipan at
ekstra-ordinaryong mga pagkilos. Ito naman ay kung nais mong magtagumpay sa
buhay.
Ang
kahusayan ay hindi aksidente. Ito ay laging resulta ng masidhing
intensiyon, matapat na pagpupunyagi, at matalinong pagsasagawa; ito ay kinakatawan
ng mahusay na pagpili
sa maraming mga alternatibo—ang pagpili, at hindi tsànsâ,
ang siyang nagdedetermina ng iyong kapalaran.
Hindi mo matatawid ang karagatan kung laging nakatayo sa pampang at
patuloy na minamasdan ang dagat.
Labels:
Busilak
Kabutihan ang Kailangan
Pinagpapala ang mapagbigay nang walang naaala-ala. At maging
ang mga tumatatangap nang hindi nakakalimot.
Kung nais mong
maging masaya,
nasa paglilingkod ang kasagutan. At kung nais mong maging maligaya, maglingkod
sa tuwina. Walang bagay na magagawa mong makuha kung hindi mo muna ito ibibigay.
Kung nais mong igalang ka, gumalang ka muna. Unahin mo munang igalang ang iyong
sarili, at sinuman ang nasa iyong tabi ay igagalang ka. Nais mong mahalin
ka? Mahalin mo muna ang iyong sarili, sapagkat walang magmamahal sa iyo
kung wala kang pagmamahal sa iyong sarili. Hindi mo magagawang ibigay ang bagay
na wala sa iyo. Nais mo ng kaibigan? Kaibiganin mo muna ang iyong
sarili, at kusang darating ang mga kaibigan na hinihintay mo. Dahil kapag
nagawa mo ito, magiging madali na para sa iyo ang makipagkaibigan sa iba.
Kapag nagagawa mong paglingkuran ang
iyong sarili, inaaruga, iginagalang, at pinagyayaman; anumang larangan na iyong
mapusuan ay magtatagumpay. Ito ay nakatakda at kusang magaganap. Ito ang tunay
na tinutungo sa lahat ng may buhay sa mundo. Ang makapaglingkod at makagawa ng
positibong kaibahan sa buhay ng iba—na magkaroon ng kahalagahan,
pagkakakilanlan, at maiiwang pamana.
Ang paggawa ng kabutihan ay likas sa
ating pagkatao bilang bahagi ng lipunan na ating ginagalawan. Walang nabuhay na
mag-isa sa pamamagitan lamang niya. Anumang pagkilos na ating ginagawa, lalo na
kung nakakatulong sa iba ay nagdudulot ng pagbabago sa pamayanan. Ito ang
ispirito ng bayanihan--ang pagtutulungan at damayan para sa kagalingang
panlahat.
Nangyayari lamang ang mga
kabuktutan at mga karahasan kung wala nang natitirang mabubuting mamamayan sa
isang lipunan. Kung
magagawa lamang na tanggalin ang maskara sa ating mukha at harapin ang
katotohanan, mapagmamasdan natin na tayong lahat ay nagnanasang magmahal, ang
mahalin, ang matanggap, ang pahalagahan, maging mapayapa, at makapaglingkod sa
iba.
Batid natin na ang ating pagkakalitaw dito sa mundo, na may tinutungo at
may mga tungkuling nararapat na magampanan. Ang makagawa ng makabuluhang
kaibahan sa ating kapwa at pamayanan. Ang pinakamatamis na damdamin ay ang
maglingkod nang walang hinihintay na anumang kapalit, ngayon, bukas, at
kailanman.
Ang mainam na paraan para masumpungan ang sarili, ay ang
makalimutan ito sa paglilingkod para sa iba.
Napaglingkuran mo ba ang iyong sarili at ang iba sa araw na ito?
Labels:
Busilak
Subscribe to:
Posts (Atom)