Walang makakabuwag sa moog nang
higit pa
kundi ang pagtanggap.
Sa isang monasteryo sa Bataan, may salu-salong nagaganap nang may
isang matandang pari ang tumindig at nagsimulang magsilbi sa iba ng tubig na
maiinom. Nagpalipat-lipat siya ng mga lamesa, at kahit na pilitin niya ang
pag-alok, walang pari ang tumanggap.
"Walang tayong sapat na kahalagahan
kung ikukumpara sa paglilingkod ng mabuting pari na ito." Ang kanilang
naging usal sa mga sarili. "Nakakahiya
naman kung siya pa ang magsisilbi para sa akin, gayong mababa ang aking
posisyon kaysa kanya." ang giit naman ng isa pa.
Nang mapadako ang butihing pari sa lamesa ni
Berning, ang pari ng Kupang, nag-utos ito na buhusan ng tubig ang kanyang
baso at punuin itong mabuti. Namangha at nainis ang mga pari sa pag-uutos na
nasaksihan. Nang matapos ang kainan, pinaligiran ng mga pari si Berning at
pagalit na nagtanong, "Papaano mo natanggap
sa iyong sarili na karapatdapat ka sa paglilingkod ng butihing pari, gayong ilang
taon ka pa lamang sa serbisyo, kung ikukumpara sa maraming dekadang ipinaglingkod na
niya? At ang dugtong pa ng isang pari na nanggagalaiti, "Hindi mo ba napansin man lamang na uugod-ugod na siya at isang sakripisyo ang paglingkuran ka pa
niya?"
"Abahh, papaano ko hahadlangan ang isang
kabutihan na kusang nagaganap? Sino
ba ako para kontrolin ito? Kayo na nagkukunwaring mga banal ay walang pagpapakumbaba
para tumanggap, at inaalisan ng karapatan ang butihing pari na maramdaman ang
kaligayahan sa pagbibigay."
Sa
relasyong tulad nito, ito ay binubuo ng tatlong pakikipag-kapwa na walang mga kundisyong
pinaiiral:
1. Pagtanggap
2. Pang-unawa at
3. Pagpapahalaga
No comments:
Post a Comment