Kapag nahuli
mo ang elepante sa likurang paa at nagtatangkang makatakas, higit na mabuti na
bitiwan upang makawala siya.
Kadalasan kapag may masamang
nangyari, sinisisi natin ang
ating sarili. Naniniwala tayo na dapat ay nalaman kaagad bago pa ito maganap, at
kung alam naman natin na mangyayari ito, naiisip natin na dapat ay mapangalagaan,
mapaghandaan o maiwasan ito nang hindi tuluyang maganap.
Kapag
tayo ay naliligalig, natatakot, o nangangamba, madalas ay tumataas ang
lawak ng ating responsibilidad. Nagkakaroon tayo ng ibayong pagtuon kung bakit kailangang
hindi mangyari ang isang sitwasyon na magpapahamak sa atin. At kung nagkamali, matinding mga bagabag pa ang laging laman ng ating isipan. Sa puntong ito,
nararamdaman natin ang ang kahalagahan ng pagkawala o ng nagawang kamalian: ito
ay mga pakiramdam ng panghihinayang, kasalanan, kawalan ng ingat, at mahabang pagsisisi.
Ubusin
man natin sa kakaisip kung bakit ito nangyari ay wala na tayong magagawa
pa. Hindi na maibabalik pa ang nakaraan at itama ito. Kalabisan pa na bigkasin ang mga kataga na ; dapat, marahil,
kung,
sana,
at sayang. Pag-aaksaya lamang ito ng mahalagang panahon at
ninanakaw ang ating mga pagkakataon na makalikha ng mahusay at makabuluhang pagtuon,
hanggang sa humina ang ating mga kakayahan at mawalan ng pag-asa na harapin pa nang
matatag ang mga problema.
Huwag gawing responsibilidad ang mga bagay na wala kang kinalaman at wala
kang kontrol.
No comments:
Post a Comment