Walang sinuman sa inyo ang may pananalig, hanggat hindi niya
hinahangad para sa kanyang kapatid ang hinahangad din niyang makakabuti para sa
kanyang sarili.
Isang
araw, inipon sa isang silid ni pastor Mateo ang mga batang estudyante at
tinanong,
"Papaano natin malalaman ang eksaktong
sandali kapag nagsisimulang gumabi at nagsisimulang mag-umaga?"
"Madali iyan," ang mabilis na
tugon ng isang bata, "ito ay kapag
nasa malayo ka at natatanaw mo ang pagkakaiba sa pagitan ng kambing at ng
aso."
Hindi nasiyahan ang pastor sa naging sagot.
Isa pang estudyante ang nagpahayag.
"Ito ay kapag nasa malayo ka, at
magagawa mong ipaalam ang pagkakaiba ng punong-mangga sa punong-papaya."
Sumagot ang pangatlong bata, "Ito ay
kapag, nakaya mong ilarawan nang mahusay ang iyong natatanaw na bahay kung kubo
ito o kamalig ito."
"Pawang
mga mali ang tinuran ninyo, hindi
ang mga iyan ang tumpak na kasagutan," ang pailing-iling na pahayag ng
pastor.
"Kung
gayon, ano po ba ang tamang sagot?"
ang may pagtatakang tanong ng mga bata.
At
ang pastor ay nagpaliwanag:
"Ang eksaktong sandali kapag
nagsisimulang gumabi at nagsisimulang mag-umaga ay ito; Kapag ang isang
estranghero o hindi mo kilalang tao ay lumapit sa iyo, at itinuring mo siyang
kapatid, ito ang sandali na nagsisimulang gumabi at nagsisimulang
mag-umaga."
"Bakit
po?"
ang sabay-sabay na urirat ng mga bata.
"Sapagkat kapag gumagabi na, wala kang paghatol o anumang pag-aakala kaninuman
dahil matutulog ka na. At kapag mag-uumaga
na, sa araw na ito, ay mayroon kang muli na panibagong pag-asa at pagkakataon
para maipakilala ang iyong kabutihan sa iyong kapwa." ang masuyong
paliwanag ng pastor.
No comments:
Post a Comment