Wednesday, December 08, 2010

Magandang Huwaran



 Tinanong si pastor Mateo:
   Anong huwaran ang kailangang sundin ng isang tao? Yaong bang sa mga banal na tao, na iniukol ang kanilang buhay sa paglilingkod sa Diyos? O, yaong mga iskolar, na nagsasaliksik na maunawaang lubusan ang kaluwalhatian ng Diyos?
   “Ang magandang huwaran ay makikita sa paslit.” ang sagot ng pastor.
   Napaangal ang mga tao sa narinig at nagpasaring, “Maling-mali ka pastor, ang isang bata ay walang kamuwangan kung ano ang katotohanan.”
   “Marami pa silang kakaning bigas, bago matutunan ang buhay!” sabad na isa.
   "May gatas pa ang kanilang mga labi," may hagikgik na dugtong ng isa pa sa gawing likuran.
   “Anong matutuhan natin mula sa bata? Kundi ang sawayin lamang sila.” Paanas na sambit naman ng katabi.
  Napailing ang pastor at nagwika, “Kayo ang namamali, ang bata ay mayroong tatlong katangiang hindi natin dapat kinakalimutan.”
  At paliwanag ng pastor, “Una, lagi silang masaya nang walang kadahilanan. Pangalawa, lagi silang abala, malilikot, at palatanong. At pangatlo, may determinasyon sila kapag may hinahanap o humihiling ng mga bagay.
 

No comments:

Post a Comment