Isinulat ko ang mga pambihirang Kawikaan narito sa hangaring makatulong doon sa mga Pilipinong nais balikan ang pagiging tunay na Pilipino na mayroong marubdob na pagmamahal sa sariling bayan. Hindi ito mga pangaral, bagkus ay mga patnubay na gumigising sa ating kamalayan.
Buong puso kong pinagtiyagaang sinipi, hinimay, kinatas, at nilapatan ng ating likas na pang-unawa sa pagsasalin, at naaayon sa kabatirang Pilipino. Angkop at sadyang kumakatawan sa ating kinagisnan at kamulatan. Hindi nagmumula sa mga banyagang kaisipan at ibang kultura na nakaukol lamang sa kanila, na nakakaligaw at pinalalabo ang wastong kahulugan.
Ang kawikaan ko’y, “Tanging Pilipino lamang ang higit at tunay na magmamalasakit
sa kapwa Pilipino. Ito ang katotohanan.”
Sinadyang inilaan ko ito sa mga mahiligin sa talumpati, sermon o pangangaral, pagtuturo, talakayan, at mga paliwanagan. Pakatandaan lamang: Kung may makukuha kang isang karaniwang ideya o mensahe at ipapamuhay mo ito ng matayog at malalim, nang naaayon sa iyong lunggati, ang antas ng iyong buhay ay ganap na magbabago tungo sa tagumpay.
Tinitiyak kong ang iyong buhay ay hindi magiging pangkaraniwan; bagkus pambihira sa iyong pangmalas gayundin sa pagtingin ng iba. Isaalang-alang na maisapuso mo ang mga kawikaan na narito na tumutugon sa iyong kabatiran.
Sa mapagbirong tadhana na lagi nating kaulayaw sa araw-araw, kailangan natin ang mga patnubay upang mabuhay ng matiwasay at lubusang maligaya.
Jesse N. Guevara
AKO, tunay na Pilipino
Lungsod ng Balanga, Bataan
2- Lahat ng bagay ay nagbabago ng maganda. Paniwalaan mo ito.
3- Ang buhay at hindi patas, subalit
nananatili itong mabuti.
nananatili itong mabuti.
4- Kung hinahanap mo'y kapayapaan, huwag hanapin ang pag-ibig.
5- Ang buhay ay napakaikli upang aksayahing nagagalit kaninuman.
6- Ang mga salitang gumigising sa kaluluwa ay higit na mahalaga kaysa mamahaling alahas.
7- Ang pag-iibigan ay pagtingin sa isa’t-isa, ito’y ang tumingin sa iisang direksiyon.
8- Ang hamon ay hindi upang isaayos ang oras, bagkus ang isaayos ang ating mga sarili.
10- Itago ang kabaliwan sa isang magandang ngiti. Huwag mag-alaala, ito lamang ang kailangan mo.
11- Ang mga puso ay nilikha upang umibig, hindi upang ikubli at pigilan.
12- Ang mga pangarap ay hindi masusupil. At ang mga nangangarap ay hindi mauutusan.
13- Maaaring mabuhay ka nang minsan. Subalit kapag ito’y nasa matuwid, ang minsan ay sapat na.
14- Ang pagkatakot sa kapighatian ay lalong mahapdi kaysa sa pamimighati.
15- Huwag hayaang ang sugat mo’y magawang ibahin ang iyong katauhan.
16- Hindi mo kailangang ipaliwanag ang iyong mga pangarap. Tanging sa iyo ang mga ito.
17- Isa lamang ang alam kong kalayaan, at ito’y ang kalayaan ng pag-iisip.
18- Hindi ako nawawalan ng pag-asa, bawat hakbang na namali ako ay patungo sa tagumpay.
19- Hindi mo maitutulak sinuman na gamitin ang hagdanan, kung ayaw nitong umakyat.
20- Siya na masaya sa ginagawa at nagagalak
sa nagagawa ay maligaya.
sa nagagawa ay maligaya.
21- Ang mga tao na tumatawang malakas ang mga dumadanas nang higit na kapighatian.
22- Hindi ka matutulungan ng iyong gawain. Ang mga magulang, kapatid, at kaibigan lamang.
23- Bayaran ang mga pagkakautang sa bawat buwan. Kung nais mo'y katiwasayan.
24- Ano ang iyong gagawin, kung alam mong magtatagumpay ka?
25- Hindi labi ko ang iyong hinalikan, kundi ang aking kaluluwa.
Ang mahapdi ay kimkimin ito.
27- Ang mamuhi ay madali. Ang umibig ay kagitingan.
29- Unti-unti, habang patuloy ka, malayo din ang mararating mo.
30- Panatilihing buhay ang pag-asa, ito ang magpapasigla sa iyo.
31- Ang tamang panahon sa pagkilos ay ngayon. Hindi pa huli na makagawa ng kabutihan.
32- Lumuha nang may kasama. Makalulunas ito kaysa ang lumuhang mag-isa.
33- Hindi mo kailangang manalo sa bawat pagtatalo. Pumayag nang di-pumapayag.
34- Huwag pabayaang ang mga hangal na sirain ang araw mo.
35- Mag-impok para sa pagretiro, simula sa unang sahod.
36- Wala akong pakialam kung saan ka man nanggaling. Ang mahalaga ay kung saan ka patungo.
37- Nasa ating pagpili, ang nagpapakilala kung sino talaga tayo, higit pa sa ating mga katangian.
38- Kung sa tingin mo’y mahalaga ka tuwing tumutulong, hangal ka! Hindi ka ganoon kahalaga.
39- Kapag tsokolate ang nasa harapan, ang pagtanggi ay iiwasan.
40- Gawing mapayapa ang iyong nakaraan upang hindi nito mawasak ang kasalukuyan.
41- Huwag ihalintulad ang iyong buhay sa iba. Hindi mo talos ang pinagdaanan nila.
42- Marapat lamang na makita kang umiiyak ng iyong mga anak.
43- Hindi mo matuturuan sinuman ng anuman, matutulungan mo lamang siya na saliksikin ito
sa kanyang puso.
44- Kapag ang relasyon ay lihim, iwasan mong masangkot dito.
45- Hindi mo maaasahan ang iyong mga mata kung ang imahinasyon mo ay wala sa tinititigan.
46- Sa isang kisapmata lahat ay nagbabago. Huwag mag-alaala, ang Diyos kailanma’y hindi kumukurap.
47- Ang kagandahan ay hindi matatagpuan, ito ay nakikita.
48- Ang isang makina ay kayang gawin ang ginagawa ng limampung tao, subalit walang makina ang
makakagawa ng isang pambihirang tao.
49- Kung nais mo'y talagang makagawa, humahanap ka ng kaparaanan. At kapag hindi naman,
humahanap ka ng kadahilanan.
50- Ang pamumuno ay tulad ng isang sinulid, batakin mo at ito'y susunod. Itulak mo,
at ito'y ganap na walang patutunguhan.
52- Ang iyong buhay ang pinakamabisang sermon.
Kapatid ito ng imahinasyon.
54- Kahit saan, ako ay pupunta, hangga’t ito ay pasulong.
55- Anuman ang hindi nakakamatay sa iyo, ginagawa kang lalong malakas.
56- Kailangan ba natin ng sapat na panahon? O, sapat na disiplina sa panahong hawak natin?
58- Sa balat ng lupa, isa lamang tao ang makapagpapaligaya sa iyo, at ang taong ito ay ikaw.
59- Hindi pa huli ang magkaroon ng masayang pagkabata. Subalit sa pagkakataong ito,
ikaw lamang at wala ng iba ang may karapatan.
60- Lupigin ang iyong mga bisyo, kapag hindi mo ito ginawa, ikaw ang lulupigin ng mga ito.
61- Anuman ang iyong nadarama, magbangon, magbihis, at magpakita.
62- Hindi mo minamahal ang isang babae sapagkat maganda siya, siya ay maganda
sapagkat minamahal mo siya.
63- Kung hindi mo nais ang isang bagay, baguhin ito. Kung hindi mo ito mabago,baguhin ang saloobin mo dito.
64- Minsan lamang ang pagkabata ng iyong mga anak, huwag kaligtaan ang panahong ito.
65- Kung ang hanap mo’y kaligayahan sa buhay, walang sinuman ang makakahadlang sa iyo.
66- Kung ang mga tao lamang ay maniniwala lamang sa kanilang mga sarili,
kamangha-mangha ang kanilang magagawa.
67- Ang pagbabago ay batas ng buhay, at doon sa nakatingin lamang sa kahapon at bukas,
ay tiyak na makakaligtaan ang ngayon.
68- Sindihan ang mga kandila, gamitin ang makikinis na mga kumot, isuot ang maginhawang pantulog.
Huwag ilaan ito sa mahalagang araw. Ang araw na ito ang mahalaga.
69- Handang-handa, kung gayon sumunod sa agos.
70- Kahit bata pa, huwag maghintay na tumanda upang makapagsuot ng kulay ubi.
71- Ang pinakamahalaga na bahaging sekswal ng katawan ay ang utak.
72- Bawat isa ay ninanasa ang kasiyahan, wala isa man ang nagnanais ng kapighatian.
Subalit hindi ka makagagawa ng bahag-hari, kapag walang man lang ulan.
73- Ang kaligayahan ay matatagpuan sa paggawa, hindi sa pagkakaroon.
74- Hindi ako naniniwala na nilikha ka ng Diyos
upang maging karaniwan lamang.
upang maging karaniwan lamang.
75- Sa bawat kapahamakan, isaisip lamang ang mga katagang ito,
“Sa loob ng limang taon, ito pa ba’y may halaga?”
77- Kapag huminto ang ulan, magkakaroon ng sikat ng araw.
78- Nais mong kalawangin?
Huwag kang kumilos.
Huwag kang kumilos.
79- Katamaran ang hilig mo? Kahirapan ang susuungin mo.
80- Laging piliin ang buhay, kaysa kamatayan.
81- Ang namimighating puso ay tulad ng basag na salamin, mabuti pang hayaan itong basag.
Habang pinipilit mong mabuong muli, patuloy mo lamang sinasaktan ang iyong sarili.
82- Ang paumanhin ay matatanggap, kung buong katapatan mong magagawa na walang ka ng balak
pa na ulitin ang katulad na kamalian.
83- Isang araw, ang iyong buhay ay biglang magliliwanag sa iyong paningin.
Tiyakin lamang na karapatdapat itong pagmasdan.
84- Ang halik na walang yakap ay tulad ng isang bulaklak na walang bango.
85- Patawarin ang bawat isa sa lahat ng bagay. Anumang panahon at kalagayan.
86- Ang pagtanda ay hindi nangangahulugan na tumatalino ka.
87- Kung anuman ang iniisip ng bawat isa tungkol sa iyo ay wala kang pakialam.
88- Hindi ako natatakot sa pag-ibig. Ang kinatatakutan ko’y ang hindi ako magawang ibigin.
89- Walang abalang tao ang namimighati sa kanyang buhay.
90- Ang katotohanan ay hindi nagbabago, ang damdamin lamang.
91- Dalawa lamang ang uri ng hangal; yaong hindi makapagbago, at yaong ayaw magbago.
92- Ang mga talunan ay naghihintay ng pagkakataon; ang mga matagumpay ay ginagawa ito.
93- Isang mabisang sermon ang kagatin mo ang iyong dila.
94- Mabuti pang tahimik at pagbintangang tanga, kaysa magsalita at mawala ang paghihinala.
95- Ang lihim ng tagumpay at kaligayahan ay hindi ang ginagawa mo ay nais mo,
bagkus ang nais mo ay ginagawa mo.
96- Kadalasan ang paghihinala sa kapwa ay nag-uugat tungkol sa ating sarili.
97- Napansin ko, habang ako'y patuloy na ibayong gumagawa, lalo akong nagiging mapalad.
98- Laging tandaan na ang kaligayahan ay hindi nakasalalay kung sino ka, o kung ano ang mayroon ka.
Nakasalalay ito sa kung ano ang iyong iniisip.
99- Hindi mahalaga kung mabagal ka man, hangga’t hindi ka humihinto.
100- Ang pinakamahalagang tuklas na magagawa mo sa buhay, ay kilalanin mo ang iyong kahalagahan.
Ang mga pantukoy, pagbanggit o kawikaan ay tulad ng isang sulo na nagbibigay liwanag sa pusikit na karimlan. Isang malalim na paglilimi at mapagkikilalanlan ng tamang pagkilatis kapag may pag-aalinlangan. Malimit ay mahirap arukin at masasabing nakapanlulumo kapag ipapaliwanag. Subalit pakatandaan, doon lamang sa nakakabatid ito nakalaan. Kailangan ang masusing pagsubaybay sa ating wikang Pilipino kung nais mong makamtan ang kabatiran ng Kawikaan sa ating panitikan.
May kanya-kanyang antas ang kaalaman. Kung sakali man hindi magawang maarok ang tinutukoy o binibigyang pansin ng Kawikaan, mangyari lamang na puntahan at alamin ang mga talahulugan. At kung hindi pa ganap na maunawaan. Maari ninyong lihaman (email) ang may-akda sa jegustar@yahoo.com O dili kaya, magbigay ng inyong pahayag sa ikalilinaw ng paksang nais ninyong maunawaan sa nakalaang puwang sa ibaba nito para sa inyong komentaryo.
may patuloy na karugtong
Kawikaan 201
Kawikaan 301
Kawikaan 401
Kawikaan 501
Kawikaan 601
Kawikaan 701
Kawikaan 801
Kawikaan 901
Kawikaan 1001
Subaybayan at kawiwilihan ang mga mahahalagang patnubay sa ating buhay, ngayon, bukas, at magpakailanman. Isa itong mabunying paghahandog sa mga tunay na Pilipino!
Lungsod ng Balanga, Bataan
No comments:
Post a Comment