Tuesday, December 14, 2010

15 Parunggit: Mga Pasiklab na Kagawian



  Ito'y mga gawi na nagpapakilala ng katauhan sa pakikisalamuha. Makikilatis dito kung anong pakikiharap ang ginagamit sa pakikipag-usap.

  1. Balat kalabaw -makapal na mukha, walang kahihiyan, manhid

  2. Tahol-aso -maingay, nanakot, maraming satsat

  3. Tusong matsing -nagdudunong-dunongan, matalino daw, mapagpanggap

  4. Isdang-tabang -walang binatbat, walang lasa, panis

  5. Ugaling pusa -walang katapatan, balimbing, palipat-lipat

  6. Kaning baboy -tirang pagkain, pinagsawaan, basaysay

  7. Asong-ulol -nababaliw, sira ang ulo, mapanganib

  8. Hanip ang dating -nakabibighani, matikas o maganda ang pagdadala

  9. Palakang kokak -madaldal, masatsat, pawang ingay lamang

10. Ningas-kugon -pasiklab, magaling lang sa una, mapagkukunwari

11. Ingay pabo -nagpapansin, nagyayabang, lantarang umaaligid

12. Dahong makahiya -maramdamin, mahiyain, kiming-kimi

13. Amoy-kambing -may anghit, putok sa kili-kili, maanggo

14. Taga sa kawayan -hindi mababaling sumpa, matinding galit

15. Sirang plaka -paulit-ulit o gasgas na katwiran, walang saysay, maingay, hindi maaasahan

No comments:

Post a Comment