Minsan, napaupo ako sa pangigipuspos. May naalaala ako na tumimo sa aking dibidb. Naging sakit ako ng ulo at laging nasa galaan noong ako’y bata pa. Walang nakauunawa sa akin, maging ang sarili kong ama.
Malimit na sinasabi niya sa akin, “Wala kang kapupuntahan sa mga patama-tamang pag-uugali mo. Mahilig ka lagi sa lakwatsa, sa mga lakaran, at padaskol na buhay. Ni hindi ko malaman kung saan ka patungo!”
Isang araw, hindi na ako nakapagpigil at pina- liwanagan ko siya;
“Alam mo, aking ama, ipapaalam ko sa inyo kung papaano ito. Mayroong isang itlog ng itik na inilagay sa pugad ng manok, isinama sa nili-limliman niyang mga itlog upang kasama itong mapisa. Noong mapisa ang lahat ng itlog, ang kiti ay kasama ng mga sisiw na pasunod-sunod sa inahing manok. Nakarating sila sa may batis, at ang kiti ay tuwang-tuwa na lumusong dito. Nagtampisaw, sumisid, at naglaro sa tubig. Subalit ang inahing manok ay nanatili sa pampang, nanggagalaiti, at putak ng putak.”
Matapos kong ipahayag ito ay tinanong ko ang aking ama, “Ngayon, aking mahal na ama, natikman ko at kinawilihan ang dagat. Naig kong maglayag at isakatuparan ang aking pangarap. Kung ibig ninyong manatili sa pampang, ito ba’y kasalanan ko?”
No comments:
Post a Comment