Saturday, December 11, 2010

15 Parunggit: Atas ng Damdamin

  

Taguri ito kapag nais bigyang diin ang kahulugan ng pangungusap. Patungkol sa damdamin, pag-uugali, at kaganapan. Matalinghaga at hitik sa pahiwatig, subalit nailalarawang mabuti ang ibig tukuyin.Walang itong paligoy-ligoy, mabilis maunawaan, ito ang mga Parunggit. Bahagi ng ating wikang Pilipino na nakapagbibigay linaw sa anumang usapan.

  1. Tiklop-tuhod -nagmamakaawa, buong pagpapakumbaba na humihingi ng pang-unawa

  2. Sagad sa buto -matinding galit, poot na poot, nasusuklam

  3. Takaw-laman -mapagnasa, mapag-imbot, walang kahihiyan

  4. Ubos-lakas -matinding lakas, buong lakas, todo-todong lakas

  5. Sising-alipin -ibayong pagsisisi, hindi makalimutang kasalanan, binabagabag

  6. Todo-pasa -palaboy, padaskol-daskol na pamumuhay, basta makaraos

  7. Silakbo ng dugo -nag-uumigting sa galit, nagngingitngit sa galit

  8. Tulak-kabig -hindi makapagpasiya, nais ngunit ayaw, salawahan

  9. Inis-talo -talunan, umayaw sa laban o usapan, bugnutin, hindi mapakiusapan

10. Labas-masok -pabalik-balik, paulit-ulit, abalang-abala

11. Bantay-salakay -ninanakaw ang binabantayan, hindi mapagkakatiwalaan

12. Huling-kabit -nahuli subalit umabot din, paningit

13. Lumang-tugtugin -paulit-ulit na kagawian, kadahilanan, gasgas na paraan

14. Abot-tanaw -nababanaagan na, nakikita na sa malayo, maliwanag sa paningin

15. Kapit-tangan -humawak ng mabuti, kumapit ng mahigpit, huwag bumitaw

No comments:

Post a Comment