Sila ang mga tao na nagpapasaya sa iyo kapag kapiling mo. Dahil kapag nakaharap ka nila ay minamahal ka, pinahahalagahan ka, at ipinagbubunyi ka. Sila ang mga tao na laging nasa iyong tabi kapag ikaw ay may dinaramdam, may pangangailangan, at nag-iisa. Sila ang kauna-unahang nalulungkot, nagdaramdam, nasasaktan, nagtatampo at nagagalit kapag napapabayaan mo ang iyong kalusugan at naliligaw ka ng landas. Ginagawa nilang makulay at masaya ang iyong pagkatao nang walang hinihintay na anumang kapalit.. kundi ang magpatuloy kang minamahal at nagmamahal.
Kung pipili ka
rin lamang ng makakasama sa iyong buhay, tiyakin lamang na ang hinahanap mong
karakter sa isang tao ay siyang kahalintulad ng pinapangarap mong maging ikaw.
Higit namang masaklap na magpatuloy sa isang pangit na relasyon na mistula kang
bilanggo at kinokontrol ng iba.
Magsimula nang
pumili ng mga karapat-dapat na tao na makakasama mo sa iyong sirkulasyon at
piliting umiwas sa mga negatibong tao na ang tanging hangad ay miserableng
pamumuhay.
No comments:
Post a Comment