Nagsisimula ang lahat mula sa iyo. Kung ano ang nasa
iyong isipan ito'y ginagampanan ng iyong kalooban. Anumang saloobin na iyong
pinaiiral, makakatiyak ka na siya ring isusukli sa iyo. Kung minumutya mo ang
kaligayahan na mapasaiyo, simulang kilalanin ang iyong pagkatao.
Mahalaga ang
iyong mga pangangailangan. Hanggat hindi mo pinahahalagahan ang iyong sarili, at
binibigyan ito ng ibayong atensiyon, o nagtitiwala at naninindigan para sa
iyong sarili, ikaw mismo ang sumisira at nagwawasak ng iyong pagkatao. Lantarang
ipinapakita mo sa madla ang kawalan ng pagtitiwala at kaukulang respeto na
mismong sa iyo magmumula.
Palaging
tandaan, magagawa mong tulungan ang iyong sarili kahit na nagmamalasakit ka sa
kapakanan ng iba na nakapaligid sa iyo. Kung hindi mo naman tutulungan muna ang
iyong sarili, hindi ka makakatulong sa iba. Sapagkat hindi mo maibibigay ang
bagay na wala sa iyo. Higit kang makakatulong sa iba kung ikaw mismo ay wala ng
inaala-ala pa at may kakayahan nang tumulong.
No comments:
Post a Comment