Kailanman ay hindi mo makakamtan ang iyong sariling
kaligayahan mula sa iba. Ikaw mismo mula sa iyong sarili lamang ang tanging
makakagawa nito. Sapagkat simula nang ikaw ay ipanganak kasama mo na ito noon
pa. Mayroong mabisang pormula: Ang Malinaw na Salamin. Subukan ito, humarap sa
isang malinaw na salamin, pagmasdan ang iyong repleksiyon mula dito. Anuman ang
iyong ginagawa, ikaw ay gagayahin nito. Ngumiti ka, ngingiti din ito. Ipakita
mong nagagalit ka, magagalit din ito. Ganito din sa mga relasyon. Anumang
ginagawa mo, makakatiyak ka na ganito din ang isusukli sa iyo. Mabait kang
makitungo sa iba, magiging mabait din sila sa iyo. Salbahe ang pakikiharap mo,
makakatiyak ka na kasalbahehan din ang igaganti sa iyo. Sa madaling sabi,
anuman ang iyong itinanim, ay siya mo ding aanihin.
Lagi nating
piiliin ang maging masaya at ang kaligayahan ay ating masusumpungan. Anumang
pagbabago na ating hinahangad ay simulan kaagad para sa ating mga sarili.
Anumang ating iniisip, ito mismo ang ating gagawin. At kung laging kaligayahan
ang ating iniisip, mapapansin na ang mga
bagay sa ating kapaligiran ay kusang sumasang-ayon at nakikiisa para sa atin
upang maganap ito.
No comments:
Post a Comment