Kailanman ay hindi ka maliligaw o mapapahamak kung ang
nilalakaran mo ay tamang landas. Ang katapatan o tamang pagpapahalaga sa iyong
sarili kung ano ang tama, at isagawa ang mga bagay na kinakailangang ituwid upang
mabago. Tahasang panindigan sa sarili na isagawa ang nais na makamtan at
matapat na gampanan kung sino ang ninanasa mong maging ikaw. Palaging isaisip
ang bagay na ito sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Sapagkat dito nakasalalay
ang hinahangad mong tagumpay, dahil lahat ng mga ito ay matutupad lamang sa
dulo ng iyong mga kamay. Ikaw mismo at wala nang iba pa ang tanging makakagawa
nito para sa iyong sarili. Apuhapin at
sisirin sa iyong kaluluwa ang katotohanan upang ganap mong makilala kung sino
kang talaga. Kapag nagawa ito, may kakayahan ka nang malaman kung saang
direksiyon nais mong pumunta at kung papaano ka makakarating doon.
No comments:
Post a Comment