Hindi ka basta na lamang sumulpot, o isang tsansa na
biglang lumitaw sa mundong ito. Mayroon kang layunin na kailangang maganap at ito ay nakatakda.
Lahat ng bagay na iyong nakikita ay may kanya-kanyang tungkulin na kailangang
matupad. Halimbawa: Ang punong saging; magsisimula ito sa isang suhi, lalago,
magiging puno, magluluwal ng isang puso, bubuka at mamumulaklak, at mula dito
ay susulpot ang isang buwig, magkakaroon ng maraming piling ng bungang saging,
mula sa luntian ay maninilaw at mahininog para mapakinabangan ng maraming may
buhay. At matapos ito ay kusa nang mamamatay ang punong-saging.
Ang tanong:
Bilang tao, ano naman ang iyong nakatakdang tungkulin?
Marami ang hindi
nakakaalam na kapag hindi mo nauunawaan o pinag-aralan kung sino ka, ano
ang nais mo, at saan ka pupunta ay
mananatili kang balisa, nalilito at laging may hinahanap sa iyong buhay na
hindi mo matagpuan. Ano nga ba ang tunay
na kahulugan ng iyong buhay?
Lahat ng iyong
hinahanap ay nasa iyo. Ang mga katanungan na pinipilit mong magkaroon ng
kasagutan ay nasa iyong lahat. At ito ay masusumpungan mo lamang kapag kinilala
mong mabuti ang iyong pagkatao.
No comments:
Post a Comment