Lahat tayo ay nagkakamali, kaya nga nilikha ang lapis na
may pambura upang itama ang kamalian. Ang kabiguan ay mistulang mga tuntungang
bato tungo sa tagumpay. Mga pagsubok at mga paghamon ito para lalo kang maging
matibay at matatag sa marami pang unos na ipupukol sa iyo ng tadhana. Katulad
ng batong diyamante, isang karaniwang bato ito na sa maraming libong pagkinis
ay lumilitaw ang kagandahan upang maging diyamante. Ganito din ang ating
pagkatao, lumilitaw lamang ang tunay na kakayahan nito sa maraming karanasan at
leksiyong natututuhan mula dito.
Sakalimang hindi
ka nadadapa nang maraming ulit, hindi ka masigasig at nakapukos sa talagang
hangarin mo. Kailangang makipag-sapalaran, ang madapa, sumubsob, bumangon at subukang
muli. Hindi ang mawalan ng pag-asa at tumakas. Matinding pag-ukulan at
pahalagahan ang iyong gawain o proyekto, pag-aralan, pagtiyagaan, at lalong
paghusayin. Anumang dakilang gawain ay nagdaan sa maraming kabiguan, at
napagtagumpayan lamang ito sa bandang huli dahil sa marami ding karanasan at
leksiyon na itinuro nito.
No comments:
Post a Comment