Hindi ang mga problema ang siyang nagpapakilala kung sino
kang talaga, kundi kung papaano ang naging reaksiyon mo, at kung nalagpasan o
nalunasan mo ang mga ito. Ang mga alalahanin at mga kabiguan ay hindi mawawala
hanggat hindi mo ito ginagawan ng kaukulang aksiyon para malunasan. Gawin
kaagad ang lahat ng iyong makakaya, hanggat magagawa mo, at pahalagahan anuman
ang iyong nagampanan maliit o malaki man ito. Katulad ng isang bata na
nagsisimulang tumindig at ilakad ang kanyang mga paa, maiikling hakbang, bagamat
nabubuwal ay nagpapatuloy, unti-unti sa tamang direksiyon hanggang sa matutong
maglakad. Gayundin sa pagharap sa mga suliranin, kahit na mumunting pagkilos
kapag pinagsama sa bandang huli ay malaki na ang nagagawang pagbabago.
2 Pormula: Tanungin lamang ang sarili;
1. Mayroon ka bang problema? Oo. May magagawa ka bang solusyon tungkol
dito? Oo. Kung gayon, bakit ka
nababagabag? May magagawa ka naman palang solusyon.
2. Mayroon ka bang problema? Wala. Kung wala, bakit ka nababagabag? Hindi
pa nangyayari ang inaasahan mo, natatakot ka na. Ikaw mismo ang naglalagay ng
problema... kaya ka nababalisa.
No comments:
Post a Comment