Napakaganda ang takbo ng buhay, malaya kang pumili anumang naisin
mo hanggat makakaya mo itong magawa ay mapapasaiyo. May kalayaan kang piliin
kung sino ang nais mong maging ikaw, alamin kung ano ang mga naisin mo at
makamtan ang mga ito, at ang pumunta sa direksiyong magpapaligaya sa iyo. Walang
sinuman ang makakahadlang tungkol dito kung hindi mo papayagan.
Gawin ang mahihirap na bagay
habang madaling gawin ang mga ito, at gawin kaagad ang malalaking bagay habang
maliliit pa ito.
Siya na may kontrol sa iba ay
maaaring makapangyarihan, subalit siya na nagagawang kontrolin ang sarili ay
siyang tunay at higit na makapangyarihan.
Sa kaibuturan ng iyong pagkatao
ay naroon ang mga kasagutang iyong hinahanap; alam mo kung sino ka, ano ang
iyong mga naisin, at kung saan ka patungo. Dangan nga lamang, hindi mo ito
nabibigyan ng kaukulang atensiyon. Higit na mahalaga para sa iyo ang mga panlabas
na bagay na patuloy na humahalina sa iyo.
Ang tanong: Bakit
tila alinlangan ka, at higit na mahalaga para sa iyo na pag-ukulan ng atensiyon
ang mga panandaliang aliwan na umaaksaya ng iyong mahalagang panahon?
Anuman ang kalagayan mo sa ngayon, ikaw ang tanging may likhà nito at tanging
may kakayahan na baguhin ito para sa iyong kapakanan.
Ano pa ang
hinihintay? Kumilos
ka na! … Ngayon
na!
No comments:
Post a Comment