Mayroon tayong kilala na dating Senador, at kung tawagin
ay senatong.
Palagi siyang kontrobersyal lalo na kapag pagnanakaw sa kaban ng bayan ang
pinag-uusapan. Nabilanggo na ito, at salapi din ang dahilan at ito ay nakalaya.
Matanda na ito at kung tutuusin kahit na ulitin ng maraming beses ang buong
buhay niya ay hindi niya makakayang ubusing lahat ang salaping naibulsa niya.
Ang taguri sa ganitong ugali, ay KASAKIMAN.
May
isang bata na nakakita ng isang maliit na garapon. Sa loob nito ay may
maraming kendi na iba’t-ibang kulay. Mabilis niyang binuksan at dinakot ang mga
kendi, ngunit nang ilalabas niya ang kanyang kamay mula sa bunganga ng garapon
ay hindi niya ito magawa. Hanggang sa mapagod siya, sumisigaw at nagpapalahaw pa
ng iyak. Narinig ang hagulgol ng bata at dumating ang kanyang ate. Kaagad na nagtanong
sa bata kung ano ang nangyari. Nang malaman ng ate ang pangyayari ay natawa
ito. Simpleng utos lamang ang binanggit nito sa kapatid, “Isa lamang kendi o kaunti ang kunin mo para magkasyang mailabas ang
iyong kamay sa bunganga ng garapon.”
Ginawa ng bata ang utos sa kanya, at
nailabas niya ang kanyang kamay.
Ang moral sa kwentong ito
ay huwag tayong maging suwapang o sakim sa mga bagay na nasa ating harapan.
Dahil kung ito ang ating gagawing pag-uugali, hindi kailanman tayo magiging
malaya, at ikakapahamak pa natin ito.
Napansin
mo ba ang mga clutter o katakut-takot na mga bagay na nakakalat sa iyong paligid?
Karamihan dito ay walang mga saysay at hindi na nakakatulong, kundi nakakagipit
pa sa ating mga pagkilos. Subalit nang dahil sa kasakiman, hindi natin magawang
alisin, itago, o ipahingi man ang mga ito sa mga nangangailangan. Gayong sa
isang araw, ay itatapon at aalisin din natin ang mga ito sa ating buhay.
Nalilimutan natin, …na sa ating pagyao o paglisan sa mundong ito, ni isang totpik ay wala tayong madadala.
No comments:
Post a Comment