Hanggat
binabanggit ang mga katagang ito ay walang nababago, at ang Sanlibutan
ay patuloy na ibibgay ito sa iyo. Maaari namang bigkasin na, “Mayaman
tayo, dangan nga lamang ayaw nating kumilos at kunin ang pagpapala na
nakatakdang ibibigay para sa atin.”
Bakit tayo naghihirap? At anumang kalagayan o kinasadlakan natin, hindi ba ayos lamang at panatag na tayo?
Kahit na patuloy tayong nababagabag sa mga pangangailangan sa buhay, ayos lang
ang mga ito. Nawala na ang kasiglahan na makipagsapalaran pa, sumubok pa at
lumaban sa buhay. Komportable na tayo anuman ang nasa ating harapan. Panatag na
tayo at may mga dahilan; “Magtiis kapag
ang ulam ay dilis.” “Bumaluktot kapag ang kumot ay maliit.” “Kahit na may tagpi
ang bubong at karton ang dingding, kami ay makakaraos din.” “Makukuha din ‘yan
sa patama-tama.” “Bahala na!” Mga
patapong pananalita na talagang sabláy at hindi tumamà sa hangaring umunlad sa
buhay.
Ang pinakamapanganib sa karamihan sa atin ay hindi ang ating pagtudlà ay
napakataas at tayo ay sumablay, kundi higit itong mababa at tayo ay tumamà, doon
sa lupa na ating tuntungan, at ang mga bulati na lamang ang ating pinagtiisan.
No comments:
Post a Comment