Araw ng Linggo, sa isang simbahan, napansin ng
pari ang isang batang lalake na patanaw-tanaw sa may pintuan at ayaw pumasok sa
loob ng simbahan. Madali niya itong nilapitan at mahinahong tinanong,
“Iho, pumasok ka na at nasa loob na ng
simbahan ang lahat ng tao. Ikaw na lamang ang nasa labas. May hinihintay ka ba?”
“Wala po akong hinihintay at hindi po ako maaaring pumasok, kasi po, binabantayan ko ang aking bisekleta.”
Ang paliwanag ng bata.
“Ah,
ganoon ba? Sige pumasok ka na at ang Banal
na Ispiritu na ang magbabantay sa bisekleta mo.” Ang masuyong bilin ng
pari sa bata.
Umupo sa harapan ng altar ang bata, at
mabilis na nag-antanda at nagdasal nang malakas, “Sa ngalan ng Ama, at ng Anak.
Amen!”
Nabigla ang dumaraang pari sa narinig at
kapagdaka’y tinanong ang bata, “Iho, bakit
hindi mo binanggit ang Banal na Ispiritu?”
Tumindig at may pagmamalaking tumugon ang
bata, “Bah, naroon siya sa labas at binabantayan
ang aking bisekleta!”
No comments:
Post a Comment