Sino ang hindi nais sumaya? Lahat tayo ay nagnanasang makaramdam ng kasiyahan. Lalo na
sa mga kahirapan at mga pagtitiis, at sa mga kaganapang nangyayari ngayon sa
ating kapaligiran. Kahit paminsan-minsan lang kailangan din natin ang
humalakhak para maibsan ang anumang bumagabag sa atin.
May
ilang tao ang nagawang mapaunlad ang
sarili at nagkamal ng maraming salapi. Lahat halos ng kanilang magustuhan ay
kaya nilang mabili. Mayroon ding mga nagkamit ng pamana mula sa mga
maririwasang magulang at hindi makayang ubusin ang yamang ito sa kanilang
buong-buhay, kung tama lamang ang gagawing paggugol. Mayroon ding pinalad na
tumama sa loto o sa mga paligsahan, ngunit mga panandailian lamang ang kanilang
nakamtang kasaganaan. Wala silang kakayahan o abilidad na patuloy na tamasahin
ang kanilang mga biyaya.
Ang
paglilibang ay hindi siyang kaganapan ng lahat. Ang maaliw at matuwa lamang
sa kapalarang nakamit ay hindi sapat. Kailangan ang matibay na panuntunan upang
hindi ito matapos at magbalik sa dating kalagayan. “Nasa kama ka na, huwag mo nang hangarin pang bumalik sa sahig.”
Pag-aralan ang
Libangan
Ano ba talaga ang nagpapasaya sa iyo? Yaong bang
kapag natapos mo ang iyong trabaho sa maghapon ay nagagawa mong maglibang, gaya
ng mga sumusunod:
-Manood
ng telebisyon; subaybayan ang mga kaganapan sa pinilakang tabing, mga buhay
artista, at mga sigalot sa kanilang pamumuhay.
-Manood
ng sine; kinakagiliwan ang alin sa mga ito: drama, komedya, tradhedya, digmaan,
katatakutan, adbenturero, detektib, at mga pantasya.
-Magtungo
sa barberya; magpagupit at makipaghuntahan sa mga lumalaganap na tsismisan ng
bayan.
-Magtungo
sa shopping mall; at bisitahin ang mga tindahang umaaliw at nag-uunahang mailabas
mo ang iyong pera.
-Magsaliksik
sa computer; kung ano man ito’y
tanging ikaw lamang ang may dahilan kung bakit nahuhumaling ka dito.
Makabuluhan o walang saysay man ito.
-Magsaliksik
sa mga tindahan ng aklat; na tila may hinahanap na kailangang bigyan mo ng
atensiyon at magawang paglibangan.
-Makiisa
at sumama sa simbahan, anumang kapisanan, o samahan na paglalaanan mo ng
panahon.
-Makilaro
ng anumang uri ng palakasan na kinahiligan mo.
-Maggitara
o tumugtog ng anumang instrumento sa musika.
-Magmalasakit
sa iyong kapwa; maglingkod at tumulong.
-Makipaglaro
sa mga bata at makipagkuwentuhan.
-Sumayaw,
umawit, at magtalumpati.
-Mamasyal
sa parke at pagmasdan ang mga tanawing nagpapasiya sa iyong kalooban.
-Magbasa
ng kinagigiliwang aklat, o ng komiks.
-Magluto
ng paboritong pagkain.
-
Magtago sa silid at magdasal.
. . . at maraming iba pa na mapaglilibangan.
Mapapansin
na ang lahat ng mga ito ay PANANDALIAN lamang. Matapos gawin ang mga ito,
babalik muli ang iyong kamalayan sa dati. Ang mag-isip kung papaano malulunasan
ang nakaambang mga alalahanin.
Malaki
ang pagkakaiba ng Masaya sa Maligaya. Ang libangan o kasayahan ay magagamit
na maikling hangarin para sa mahaba mong paglalakbay upang matupad ang iyong
layunin. At kung patuloy ito, ikaw ay maligaya. Hindi ang destinasyon ang
talagang nais mo kundi ang mga bagay na umaaliw sa iyo sa paglalakbay na ito.
No comments:
Post a Comment