Ang pangunahing dahilan ng kalungkutan ay hindi kailanman ang sitwasyon,
kundi ang iyong patuloy na pag-iisip tungkol dito.
Kung ikaw ay
hindi masaya, malungkot
ka. Subalit kung sukdulan mo na itong ginagawa at masidhing nakaugalian na, maluknot ka. Dati-rati’y naka-palumbaba
ka at walang saya, ngunit nang simulan mong sumimangot ka, mamaluktot sa isang
tabi at mabugnot sa nakakabagot na lungkot, sinisilaban ka na upang maging maluknot.
Kapag
lagi kang nakatuón sa mga problema, magkakaroon ka ng maraming problema,
subalit kapag nakatuón ka sa mga posibilidad at mga solusyón, magkakaroon ka ng
maraming oportunidad.
Huwag
payagan ang mga nakaraang relasyon at lumáng mga pagkakamali ay wasakin ang
iyong hinaharap. Iwasan ang sinuman o mga bagay na hindi umayón at nakaganda
para sa iyo na magpatuloy na saktàn ka.
Kung
patuloy na sinasariwà mo pa ang mga ito, patuloy ding ibinibigay mo pa ang
malaking bahagi ng iyong buhay sa mga bagay na hindi na muling babalik pa –
lumipas na ang mga ito at kailangang malimutan na. Huwag hayaan ang iyong
kaligayahan ay mapalitan ng kapighatian.
Pag-aralan
ang leksiyon na naranasan mula dito, pawalan ang mga pighati na idinulot
nito, at masiglang harapin ang bukas. Bagamat ang sugat ay nag-iwan ng peklat,
hindi ito ang dahilan para masira ang kinabukasan, bagkus ang lalo pang tumibay
at maging matatag ka sa napakandang bukas na naghihintay para sa iyo.
Huwag maluknot, hindi pa huli na mahalin
mong muli ang iyong sarili.
No comments:
Post a Comment