Supilin ang iyong isip at kung hindi, ikaw ang susupilin nito. Alalahanin na ang mga pagkabalisa at mga kalituhan ay sanhi ng kawalan ng kontrol, pag-oorganisa, preparasyon, at totohanang mga pagkilos. Habang may dahilan at wala kang kinalaman sa iyong mga kabiguan, kailanman ay hindi mo na maitatama pa ang mga ito upang magtagumpay. Ang mga pangangatwiran o mga kadahilanan ay mga distraksyon lamang, pagparalisa, at pagtatakip ng mga katotohanan.
Palakasin mo ang iyong diwa at
panatilihin ang iyong mga kasiglahan. Humanap ng mga bagay na magpapakilala nang lubusan ng iyong pagkatao. Ilabas ang lahat ng iyong mga nakatagong potensiyal. At pairalin ang iyong matayog na antas ng kagalingan,
pagkadalubhasa, at patuloy na paglilingkod sa kapwa. Narito ang iyong hinahangad na tagumpay.
Sa ganang akin:
Hindi gawang biro ang magsulat (higit pa, kung wala
kang kamuwangan para dito, at nagsisikhay pa).
Subalit nakapagbibigay ito ng inspirasyon at malaking pagtitiwala sa aking
sarili; ang makapag-ambag ng karagdagang inpormasyon sa aking mga kababayan.
Kung mananatili na pangarap lamang at masyadong maingat na huwag magkamali,
kailanman ay hindi na ako makapagsusulat pa tulad nito. Hindi maiiwasan ang
mga pagpuna at mga kritiko. Marami ang bumabatikos na walang napapala dito at
hindi naman pinagkakakitaan ito.
Dahil nais kong makapaglingkod, kailangan kong
manindigan na magsulat bagama’t patuloy ang pamimintas. Pinanindigan ko na ito; at
wala nang urungan pa. Isa pa, hangga’t patuloy akong nagsusulat, patuloy din akong nag-aaral. At lalong
nadaragdagan ang aking mga kaalaman kung isinusulat ko ito.
Ang ating karakter o pagkatao ay nasusubukan kung ano ang ating
pinanindigan na gawin, lalo na kung naiisip natin na walang nakakakita o pumupuri sa
atin. At hindi basta humahanga ang isang tao ay tuwang-tuwa na sa iyo katulad ng nagkakawad na buntot ng aso,
tama nang lahat ang mga ginagawa mo. Ingatan ang iyong makasariling kaisipan at
mga motibo nito. Sapagkat baka mapagkamalan mo itong mga prinsipyo at
panindigan nang totoo, at ipaglaban pa ito na siyang ikakapahamak mo.
No comments:
Post a Comment