Ang paulit-ulit na paninimdim ay normal; anumang saloobin natin para dito ay
siya nating susundin.
Bawat isa ay may sinusunod na mga negatibong kaisipan; at marami ito sa araw-araw. Ang mga kaisipang
ito at mga imahinasyong nagsasalimbayan sa ating isipan ay talaga namang
nakapanlulumo, palaging nakakaligalig at ninanakaw ang ating kasiglahan. Ang patuloy
at pabalik-balik na mga alalahaning ito ay hinahangad nating huminto at matapos na.
Kadalasan, may mga pangitain tayo na lubha nating kinakatakutan at
walang-hintong ginugulo ang ating isipan sa masamang mangyayari. Karamihan ay
tungkol sa trabaho, grado sa pag-aaral o ginagampanan, kalusugan, o mga
relasyon. Subalit madalas kalakip nito ay mga marahas at violanteng imahe,
masasagwang sekswal na pangitain, o umaaliping kabanalan at samutsaring mga
ideya.
May
mga tao na madali nilang idismis ang mga kaisipang ito, ngunit para sa iba,
hindi ito basta mga simpleng bagay--ang mga kaisipan at mga imaheng ito ay
makatotohanan, walang hinto, at nakakabahala. Mistulang mga anay na
nagpupumilit na wasakin ang katinuan ng kanilang isipan, para patuloy na
ma-istres at maging biktima ng nakakamatay na depresyon.
Magkakaiba
ang ating mga saloobin tungkol dito; ang mga nababahala at nag-aalala ay
nakatuon palagi sa mga negatibo at magaganap na mga pangitain. Samantalang para
sa iba, mabilis nilang inaalis sa isipan kaagad ito at pinapalitan ng mga
positibo at makabuluhang mga bagay na
makakatulong sa kanilang kapakanan. Ang pinakasusi sa pagitan nito ay kung anong
kahulugan ang ilalapat sa mga alalahaning ito; Positibo o negatibo? Makakabuti
o makakasama? Makabuluhan o walang katuturan? Kaligayahan o kapighatian?
Ang
kapangyarihan na kontrolin ang pangitaing gumugulo sa isipan ay nagmumula
sa abilidad na makaiwas itong alalahanin. Bagamat taliwas, ang paraan lamang
para ito makontrol ay hayaan at huwag kontrolin ito. Sapagkat hanggat nakapokus
ka sa kaisipang ito at pinipilit mong mapahinto ito, ang kaisipang ito ay
lalong magpapatuloy at siya mismong kumukontrol na sa iyo.
Ang kailangan lamang ay kilalanin: Isa lamang
itong kaisipan. Wala itong
katuturan.
AKO
ang may kapangyarihan kung nais kong tanggapin, aliwin at patirahin ito sa
aking isipan. Nasa aking pahintulot para ito manatili sa aking isipan at AKO
ang masusunod sa bagay na ito.
No comments:
Post a Comment