Ang mabatid ang iyong layunin ang siyang nagbibigay ng
makabuluhan sa iyong buhay.
Sa anumang larangan, iwasang laging nakatunghay sa
ginagawa ng iba. Hindi mo katungkulan ang magmasid at titigan nang puspusan ang
ginagawa ng iyong kapitbahay. Kung kakumpetensiya mo naman sa negosyo, kaysa
inaabangan at inaalam ang kanyang ginagawa, wala kang kontrol para dito. Ang
may kontrol ka lamang ay sa iyong sarili. Iwasang mabalisa tungkol sa karibal
at panghinaan ka ng loob sa bagay na ito.
Katulad sa pagmamaneho ng kotse, kung lagi kang nakatingin sa back mirror at pilit na tinitignan ang mga sasakyan na nasa likod mo at sumusunod sa iyo, malamang nito pulutin ka para sa ospital o, sa sementeryo. Ang mainam ay tumutok ka sa harapan mo at maging maingat.
Katulad sa pagmamaneho ng kotse, kung lagi kang nakatingin sa back mirror at pilit na tinitignan ang mga sasakyan na nasa likod mo at sumusunod sa iyo, malamang nito pulutin ka para sa ospital o, sa sementeryo. Ang mainam ay tumutok ka sa harapan mo at maging maingat.
Sa karera
ng pabilisan ng takbo, ang enerhiya na lumingon at tignan ang takbo ng katunggali
ay kabawasan ng lakas, at kapag nakita mong malapit ka na niyang abutan,
matatakot ka at manghihina pa. Subalit kung ang lahat ng enerhiya mo ay uubusin
para lalong bumilis ang iyong pagtakbo, malaki ang porsiyento na mananalo ka.
Huwag aksayahin ang iyong lakas at panahon sa paglingon at pagtitig sa mga
katunggali, kung ito ay may mga kakayahan o kung anuman ang ginagawa nila. Ang
tunggalian ay hindi tungkol sa katunggali mo. Ito ay tungkol kung ano ang
makakaya mong gawin, kailangan lamang na gawin ang tungkulin mo nang higit pa
sa iyong makakaya para ikaw ay manalo. Kailangang ibigay mong lahat ang
magagawa mo sa pagkakataong ito sa iyong sarili. Para sa iyong sarili.
Walang makapaghuhubog sa iyong buhay
gaya ng pagtupad sa iyong mga tungkulin na pinili mong isagawa.
No comments:
Post a Comment