Thursday, October 22, 2015

Sino ba AKO?


Bawat araw, nililikha mo ang iyong kapalaran, at lahat ng mga ito ay dahil sa AKO.
AKO ang iyong palaging kasama. AKO ang iyong maaasahang katulong o mabigat na pasanin. Magagawa kong itulak ka para lalo kang magsikhay, o kaladkarin na pababa para mabigo. AKO ay buong pusong tagasunod mo; kaninuman, saanman, at kailanman. Kalahati ng mga bagay na ginagawa mo, mangyari lamang na ibigay sa akin, at matatapos ko ito nang mabilis at kumpleto. Madali AKO na isaayos at pasunurin—kailangan lamang na matatag at tahasan ang mga inuutos sa akin. Ipakita nang eksakto kung papaano ang nais mong mangyari at sa ilang leksiyon lamang, ay magagawa ko na ito nang otomatiko. AKO ang tagapaglingkod ng lahat ng mga dakilang tao; at kalakip din nito, maging ng lahat ng mga kabiguan. Doon sa mga talunan, ginagawa ko ang mga kabiguan. Doon naman sa mga panalo, pinanatili ko ang mga tagumpay. Hindi AKO isang makina, bagama’t hindi AKO tumitigil, AKO naman ay kumikilos na tulad sa presisyon ng makina, at kalakip ang talino ng tao. Magagawa mong magnegosyo at pagtubuan ito nang malaki, o patakbuhin ito nang palugi—wala itong kaibahan sa akin. Kunin AKO, sanayin AKO, maging matatag at mahusay na makisama sa akin, at ihahandog ko sa iyong paanan ang daigdig. Subalit kung pabaya at padalus-dalos ka sa akin, wawasakin at dudurugin kita nang walang puknat, saan ka man magtungo. Dahil kung nasaan ka ay naroon AKO.
Sino AKO? 
Ahhh....AKO ang iyong ugali.
"Hindi ang iyong mga paniniwala ang gumagabay sa iyong buhay, kundi ang iyong mga asal, mga gawi, at pag-uugali." -Karlo M. Guevara


No comments:

Post a Comment