Tuesday, October 27, 2015

Patnubay sa Katotohanan



Madalas ka bang mabagabag sa mga nakaraan at laging nalilito kung saan ka nagkamali? Normal lamang ito, sapagkat pinipilit ka ng iyong budhi na gumawa ng paraan at itama ito. Kung hindi mo pa aayusin, bangungot naman ang gigising sa iyo, (sakali mang magising ka pa).
   Kapag ganito ang nangyayari, sa iyo at nagkakaroon ka ng ibayong pagmumuni-muni, mangyari lamang na isalang agad sa iyong isipan ang mga ito: 

Ang 7 Patnubay ng Katotohanan:

1. Doon sa mga bagay na ating iniisip, sinasabi at ginagawa . . . ito ba ang katotohanan?

2. Ito ba’y pantay-pantay sa lahat ng kinauukulan?

3. Magagawa ba nitong magtaguyod ng mabuting saloobin at mahusay na pagkakaibigan?

4. Nagpapakilala ba ito ng hinahangad mong huwarang pagkatao?

5. Pagmumulan ba ito ng kapakinabangan sa lahat ng kinauukulan?

6. Magdudulot ba ito ng katiwasayan at maligayang pamumuhay?

7. Papuri ba ito sa kaluwalhatian ng Dakilang Lumikha?

   Ang mga Tamang Katanungang at mga Patnubay ng Katotohanan na narito, kung magagawang sauluhin at panatilihin sa isipan, ay makapag-papalinaw ng kamulatan upang higit na mapili ang tamang pagtahak sa matiwasay na landas.


No comments:

Post a Comment