AKO ay Pilipino. Piling-pili at pinung-pino.
Kaya naman AKO ay maginoo.
Napansin ko na bihira na sa ating mga kababayan at lalo na sa mga kabataan ang maging magiliw, masuyo, at mapagpasalamat. Kadalasan ay laging nagmamadali, lubhang abala at padalus-dalos na ang mga pagkilos. Sa halip na mapagaan ang mga gawain dahil sa makabagong teknolohiya ng komunikasyon, tulad ng telebisyon, selpon, ipad, iphone, atbp., ito na mismo ang pinaglibangan at kinahumalingan.
Nabawasan na ang harapang kamustahan, yakapan, at balitaan.
Napalitan na ito ng mga agaw-pansing Facebook,
Twitter, You Tube, Instagram, atbp. Hindi kataka-taka na kasama na ring
makaligtaan nang tuluyan ang mga kaugaliang Pilipino na kalugod-lugod.
Narito ang ilan sa mga kagandahang-asal na nakakaligtaan natin sa maghapon:
21 Mga Ulirang Pag-uugali
1.
Maging makatao sinuman ang kaharap mo.
2.
Ngumiti.
3.
Maging masuyo kung may kailangan.
4.
Iparamdam sa tuwina ang pag-asam at kasiglahan.
5.
Maging mapagkumbaba.
6.
Maging makatotohanan sa lahat ng relasyon.
7.
Umunawa muna nang maunawaan ka.
8. Bago
humiling, bigkasin ang “Maaari ba…”
9.
Kung hindi ka tinatanong huwag sumagot.
10. Iwasang
mainip at laging magtimpi.
11. Isipin ang
iyong kapakanan bago makialam.
12. Higit na
mahalaga ang tao kaysa mga bagay.
13. Iwasan ang
mag-akala.
14. Mag-isip muna
bago magsalita.
15. Tumingin sa
mata ng kausap at makinig.
16. Huwag personalin
ang mga bagay.
17. Sambitin ang “Sori...” kapag nais mong tukuyin ang “Pasensiya ka na.”
18. Kapag kumakain
kasama ng pamilya, iwasan ang selpon at telepono.
19. Tuparin ang
iyong mga pangako.
20. Panatilihing nauuna
ka sa tipanan.
21. Laging sambitin
ang “Salamat sa iyo.”
…
Simpleng-simple lamang ang mga ito; at kung maisaulo at tahasang gagawin, malaki ang
magagawang kahalagahan sa pakikipag-relasyon kahit kaninuman, saanman, at
kailanman.
No comments:
Post a Comment