Huwag iwanan ang tao na humaplos sa
iyong kaluluwa
nang higit pa sa iyong katawan.
Kung ang bawa’t
isa sa atin
ay mauunawaan at kikilalanin na lahat tayo ay dumaraan sa maraming pagsubok na
batbat ng mga kapighatian, mga pagkakamali at mga kabiguan, bunga ng ating mga
kahinaan, na nababalot ng mga panghihinayang at pagsisisi, madarama natin ang
pinapasan nating mga kalbaryo sa buhay na ito. Kung may damdamin tayong tulad
nito, ay magagawa nating magpahalaga at maging makatao.
Kung minsan, kailangan nating makibalita,
makiramay, makiisa at makipag-daupangpalad upang simulan ang isang magandang
paglalakbay. Bilang tao, nangangailangan tayo ng haplos at pagdama para sumigla
at magpatuloy na nakikibaka sa buhay. Marami ang hindi nakakaalam na ang haplos
at paghawak sa kamay ng iba ay mistulang panlunas sa kanilang mga dinaramdam. Higit
pang mainam kung nagagawang mong sisirin ang kanyang kalooban at haplusin ito
ng pagmamahal.
Kapag
ang ating mga mata ay napagmamasdan ang ating mga kamay na ginagawa ang mga
paghibik ng ating puso, ang sirkulo ng paglikha ay nakumpleto na sa kaibuturan
natin, ang pintuan ng ating kaluluwa ay pumapailanlang, ... at ang Pag-ibig ay
kusang nakakamit, para lunasan ang kapanglawan at anumang pait.
Huwag nating kalimutan na mayakap ang
mga mahal natin sa buhay. Sapagkat kapag nahaplos at nayakap mo ang kanilang
katawan, nahaplos mo ang kanilang buong pagkatao, ang katalinuhan, ang mga emosiyon, ang
mga pangamba, at maging ang ispirito. Gawin na ito: Kamayan, akbayan at tapikin
sa balikat ang ating mga kaibigan. Ipadama na sila ay hindi nag-iisa. Narito
tayo para dumamay at makiisa sa kanila. Bawa’t isa ay may puso. Humanap ng
paraan na madama at haplusin ito.
Alam mo ba? …na ang isang mahalagang
kabatiran na kailangan nating yakapin sa pangkalahatan ay kilalanin sa ating
mga sarili na tayo ay sadyang mabuti at may kakayahan na makagawa ng kaibahan,
pagdamay, pagmamahal, at maligayang buhay.
Damahin na ang bawa’t isa sa atin ay naiiba,
pambihira, at may kahalagahan.
Binanggit nga sa akin ng kaibigan ko na si Jessyka Pollock, “Let us not forget in this age of e-mails and voice mails, of cell phones and text messages, of blogging and instant messaging, of twitter-facebook-googling, and pinterest-instagram, that the human touch has the power and potential to change someone’s LIFE.”
Binanggit nga sa akin ng kaibigan ko na si Jessyka Pollock, “Let us not forget in this age of e-mails and voice mails, of cell phones and text messages, of blogging and instant messaging, of twitter-facebook-googling, and pinterest-instagram, that the human touch has the power and potential to change someone’s LIFE.”
No comments:
Post a Comment