Sa ating buhay, madalas tayong mag-akala sa mga bagay na
walang katiyakan o kakahinatnan. Pilit natin inaakala na ang paraan sa mga nakikita nating
mga bagay ay siya ring paraan na nagpapatunay o ang paraan na siyang katunayan.
At ang ating mga saloobin at mga asal ay kumakatawan at nagbibigay patunay sa
mga pag-aakalang ito.
Hindi pa naman
nangyayari, mayroon na tayong konklusyon para dito. Palagi tayong nakaabang na
makita ang mga bagay na hindi pa nagaganap, at ang maging bulag sa mga dakilang
leksiyon na nakaharap sa ating mga mata. Kung minsan, higit tayong nakakiling
sa sarili nating takbo ng buhay, kung kaya’t tinatanggihan natin ang mga
pambihira at magagandang oportunidad nang dahil lamang na wala tayong kaalaman
kung papaano ang mga ito gagawin.
Ang buhay ay maaaring maikli o maaaring mahaba: depende
kung papaano mo ito ipapamuhay. Dalawa ang iyong pagpipilian, ang kontrolin ang
iyong isipan o hayaan ang isipan na kontrolin ka nito.
No comments:
Post a Comment