Huwag umiyak dahil nakalimot at natapos na,
sa halip ay ngumiti sapagkat ito ay nangyari.
Maikli
lamang ang buhay, ngunit ang nakapagtataka, ang karamihan sa atin ay walang patumanggang
inaaksaya ito sa walang mga katuturang bagay.
Natutuhan
ko:
Kailangan na matutuhan ko ang pag-uugali ng
mundo at tamasahin ang kaligayahan na itinakda para sa akin.
Ipinangako ko sa aking sarili na maging
masaya sa bawa’t araw. Ang harapin ang maghapon nang buong sigla at may
pag-asa. Kailanman ay hindi isinasakripisyo ang ngayon dahil lamang sa nakaraan
at hinaharap. Laging tinatanggap ang pagmamahal kaninuman, saanman, at
kailanman. Ang mabuhay sa bawa’t sandali na kailanman ay hindi ko inililiban o
pinababayaan ang anumang bagay na magpapasaya sa akin. Sapagkat ipinairal ko na
sa aking sarili na maging maligaya sa tuwina.
No comments:
Post a Comment