Huling Araw Mo Na
Ipamuhay ang araw na ito ngayon, bago masayang ang lahat.
Ang araw na ito, ang
kaganapan ng lahat sa iyo, ngayon, …sa mga sandaling ito. Wala sa nakaraan, dahil lumipas
na ito at hindi na maibabalik pa. At lalong hindi rin sa hinaharap, dahil hindi pa nangyayari ito at walang katiyakan. Kailan
matatapos ang iyong buhay? Batid mo ba kung kailan mo
lilisanin ang mundong ito? Sa darating na limampung taon? Sa dalawampung
taon? Sa sampung taon? Sa taon na ito? O, mamayang gabi sa
iyong pagtulog?
PAGTANTO------------------
Pansamantala muna
tayong tumigil, saliksikin sa ating imahinasyon at linangin ito na hindi na
tayo magigising pa bukas. Narito ang ilang katanungan na
bihira nating laruin sa ating mga guni-guni. Magmuni-muni; Kung sakaliman na biglaan kang namatay, ikaw ba ay nakahanda para dito?
Kung patungo ka sa iyong trabaho at inabot ka ng isang malagim na
sakuna, nabanggit mo ba sa iyong asawa, anak o, kapamilya bago ka umalis ng
bahay kung gaano mo kamahal sila?
Namuhay
ka ba nang matiwasay at may
reputasyong kalugod-lugod?
Nagawa
mo bang magmahal nang walang hinihintay na anumang kapalit?
Naglingkod
ka ba ng tapat nang walang halong pandaraya o pagsasamantala?
Naipamuhay mo ba kung sino kang talaga nang walang balatkayo o, anumang
bahid ng pagkukunwari?
Ang
katotohanan, ay walang makapagsasabi kung hanggang kailan tayo
mabubuhay. Sa pagiging abala, sadya nating nakakalimutan na sa anumang sandali
ay maaaring matagpos ang ating hininga. Iwasan natin ang magpadalus-dalos at
pakaisipin na tila mabubuhay pa tayo nang walang hanggan. Tanggapin nang maluwag sa
kalooban na ang buhay ay hiram at panandalian lamang. Huwag katakutan ang
kamatayan na siyang magwawasak ng lahat sa mundo mo. Hindi ito ang wakas kundi
ang simula ng bagong buhay na nakatakdang maganap – manalig, at ang
kaluwalhatian ay mapapasaiyo.
Nasa
pakikipag-ugnayan sa iba ang katotohanan upang malaman at maisasaayos ang
ating mga sarili, bago pa mahuli ang
lahat. Anumang sigalot, pighati, at mga pagdaramdam; ang mga ito ay lilipas
din. At sa wastong pagtatama ng sarili doon lamang natin mapapaganda ang
anumang pagsasama. Sa iyong pakikipag-relasyon,
dito makikilala ang tunay mong nilalayon. Dahil nasa gawa at hindi sa salita nagkakakulay ang lahat sa atin.
Manatiling gising at
harapin ang katotohanan, dahil pagdating ng katapusan, … tayo ay lilisan.
No comments:
Post a Comment