Kapag nagtatrabaho, magtrabaho, at kapag naglalaro,
maglaro. Huwag pagsabayin ang dalawang ito upang hindi malito.
Hindi puwedeng hulihin nang sabay ang dalawang mailap na kuneho, at wala kang
mahuhuli isa man. Kailangang pagtuunan ng pansin ang isa lamang upang makatiyak
na mahuhuli ito. Ganito din sa gawain, hindi maaaring pagsabayin ang trabaho at
paglalaro o paglilibang. Kapag sinimulan ang isang trabaho, kailangan itong
tapusin. Binibigyan lamang ng kaukulang panahon ang paglalaro o pag-aaliw kapag
natapos na ang mga gawain.
Tandaan, kung nais na magkaroon ng kakaibang resulta, gumawa ng kakaibang
pagkilos.
No comments:
Post a Comment