“Pabayaan mo ako, ako na ang bahala diyan,” ang bigkas naman ni Lagari. Sa
dami ng matatalim niyang ngipin, pasulong at pabalik niyang nilagari si Bakal ng walang puknat. Humahapo itong huminto ng mapansin niyan nalagas at napudpod ang lahat ng kanyang mga ngipin. Lulugo-lugo itong tumabi kay Palakol.
“Sa akin, hindi mangyayari ang ganyan!,” ang sigaw ni Martilyo.
“Alam kong wala kayong magagawa anuman ang naisin ninyo kay Bakal. Ako lamang ang makakagupo sa kanya. Ipapakita ko sa inyo,” ang pagmamalaking susog pa ni Martilyo.
Sa unang paghataw, ibinuhos ni Martilyo ang lahat niyang lakas sa pagpukpok. Nang tumama ito kay Bakal, sa tindi ng pagkayanig ay natanggal ang ulo ni Martilyo. At si Bakal ay nanatiling walang ipinagbago, pangiti- ngiti pa rin ito tulad nang dati.
“Maaari bang ako naman?,” ang tanong ni Lagablab. Hindi pa sumasagot sina Palakol, Lagari, at Martilyo ay kaagad na nilukob ni Lagablab ng nag-aalab niyang apoy ang matigas, at matibay na si Bakal. Banayad niyang sinilaban ito ng pautay-utay. Pinalibutan niya ito ng nag-aalimpuyong pagsilab. Patuloy ang walang patumanggang paglalagablab. Unti-unti ang matigas na si Bakal ay nagsimulang maagnas at natunaw.
Paglalarawan: Anumang pagkilos na idinaan sa padalos-dalos na pamamaraan at sinamahan ng kapalaluan ay pawang nauuwi lamang sa kabiguan. Subalit doon sa mapagmasid at may wastong kapasiyahan ay matagumpay. Sa lahat ng larangan; nakakatiyak ka ng tagumpay kung talos mo ang iyong kakayahan at ang mga gagawing hakbang, bago simulan ang gawain. Kapag may plano ka, kalahating bahagi ng iyong gagawin ay natapos na.
No comments:
Post a Comment