Mayroong
grupo ng mga banal na pantas na nagtipun-tipon sa lungsod ng Balanga para
talakayin ang katanungan kung bakit nilikhà ng Diyos ang tao sa ikaanim at
huling araw bago Siya nagpahinga.
Ang paliwanag ng punong-pantas, “Naisip Niya na simulan munang bubuin at
organisahin ang buong Sansinukob, upang higit nating mapahalagahan ang Kanyang
mga kamangha-manghang kapangyarihan.”
Nagpahayag naman ang isang pantas, “Inunang nilikhà din Niya ang Dakilang Araw para silayan tayo ng pagpapala sa
maghapon, at tanglawan ng Butihing Buwan
sa magdamag.”
Idinugtong ng isa pang pantas, “Nauna ding nilikhà ang mga kaparangan at
kagubatan para liparan ng mga ibon at panirahan ng mga hayop, nilikhà rin ang
mga karagatan at katubigan, at nilagyan ito ng mga nilalang na lumalangoy.”
“At bakit sa ikaanim at huling araw lamang
nilikhà ang tao?” ang magkakasabay nilang mga tanong, nang bumukas ang
pinto at pumasok ang isang matandang babae na taga-Kupang, na hawak ang isang
bendehado ng meryenda para sa mga pantas.
“Bakit hindi natin tanungin si Aling
Entang kung bakit inihuli na likhàin
ng Diyos ang tao.” Ang susog na isang nakanoot-noong pantas.
Habang pinupunasan niya ng dimpô ang pawis
sa kanyang sa noo, nakangiting nangusap si Aling Entang,”Simpleng kasagutan lamang,
“Dahil kung sakaliman na magmamataas tayo at magyayabang; ay maaala-ala natin
na maging ang munti at hamak na lamok
ay may kaukulang priyoridad sa pamantayan ng Maunawaing Diyos.”
“Ay, siyanga pala,” ang sambit ng
punong-pantas, “laging nasa huli at
siyang may dominyon ang tao sa lahat
ng mga nilalang sa mundo. Salamat,
Aling Entang sa paala-ala mo.”
No comments:
Post a Comment