Maging
tag-araw o tag-ulan, nakaugalian na ng mga kababaihan natin ang magdala ng payong.
Ginagamit din nila itong pananggalang kung may mabagsik na aso na humahabol sa
kanila. Isang araw ng Linggo, bago pumasok ay iniwan ni Aling Entang ang
kanyang payong sa may gilid ng pintuan ng kapilya tulad ng nakagawian niya.
“Natanaw
kita kangina mula sa bintana nang ikaw ay dumating,” ang pahayag ni
pastor Mateo. “Napansin mo ba kung ilang payong na ang naroon sa timbang kulay
ube?”
“Hindi
ko man lamang napansin ito, pastor. Ano
ba ang halaga pa nito kung ang nasa isipan ko ay ang manalangin sa araw na
ito ng Linggo?”Ang may pagtatakang sagot ni Aling Entang.
Magiliw na nagpaliwanag si pastor Mateo,
“Sa buhay na ito, kung hindi mo
mapag-uukulan ng pansin maging ang mumunting mga bagay sa iyong kapaligiran,
kailanman ay hindi ka matututo ng anumang bagay. Alalahanin mo na yaong munting
buhangin lamang ang nakakapuwing, at kapag pinagsasama-sama ang mga ito ay
nakapagtatayo ng dambuhalang gusali. Upang magkaroon ng komunikasyon at ugnayan
sa buhay, maglaan sa bawat sandali na ipukos ang iyong atensiyon sa kahalagahan
nito—ito lamang ang sekreto upang ganap kang magising at hindi tuluyang makatulog
sa takbo ng buhay.”
No comments:
Post a Comment