Madali lamang ang dumausdos sa
buhay; paniwalaan ang bawa’t bagay o paghinalaan ang bawa’t bagay. Sa
magkatulad na paraan makakaraos tayo na mag-isip pa.
Ang mga dakilang isipan ay tinatalakay ang mga
ideya.
Ang mga
karaniwang isipan ay tinatalakay ang mga balita.
Ang
maliliit na isipan ay tsismis at siyete ang libangan.
Subalit
yaong mga yagit ang isipan, Eat Bulaga ang
kinahumalingan.
Hindi ko dinaramdam kung ikaw man ay
nagsinungaling sa akin, ang bumabalisa sa akin ay magmula ngayon kailanman ay
hindi na kita papaniwalaan pa.
Siya na palaging pumupuri sa iyo
nang higit pa sa iyong inaasahan ay maaaring dinadaya ka o nagbabalak na dayain
ka.
Tagubilin nga ni Ingkong Kiko Baltazar; “Kung sa iyong
pagdating ay may sumalubong at may pakitang giliw, pakaasahan, ito ay kaaway na
lihim.”
Anumang bagay na kulang kaysa
tahasang pagtupad sa mahalaga ay hilaw na pagtupad sa hindi mahalaga. Ang
mabilisang paggawa sa mga bagay ay hindi maipapalit sa paggawa ng mga tamang
bagay.
Tandaan ito: Kung walang
hardinero, ay walang hardin Kung walang
itinanim, walang aanihin. Kailanman ay hindi mo matututuhan ang mga bagay na
hindi mo pinag-aralan. At hindi ka ipapahamak ng mga salitang hindi mo
binigkas.
No comments:
Post a Comment