Ang pinakamahirap magawa sa mundong
ito ay ang maangkin ang
saloobin at paninindigan ng isang mandirigma. Walang saysay o kapupulutan ng aral ang palaging
malungkutin, mareklamo o paladaing sa buhay, may damdamin na laging inaapi at
kaawa-awa, at nadaragdagan pa ito ng mapaghinalang kaisipan na pawang negatibo.
Huwag nang kumibo, magtiis na lamang at mawalan ng pag-asa sa buhay. Hindi ito
mga katangian ng isang mandirigma.
Malaki ang naitutulong ng ating mga
pag-uugali kung papaano tayo pinalaki. Kung
ano ang nagpapasiya sa bawa’t nating pagkilos, ay nakabatay kung
papaano natin isinasaayos ang ating mga naisin at mga tamang kapasiyahan upang
matupad ang ating mga pangarap. Ang tao ay siyang ubod at kabubuan ng lahat
niyang mga naisin, ito ang nagtatakda ng kanyang pamumuhay, kapalaran, at
kawakasan. At upang matahak ang tamang landas tungo sa magandang bukas,
ginagampanan niya ang katauhan ng isang mandirigma.
Bilang mandirigma:
… alam niya kung sino siya;
… laging gising at nakahanda sa anumang saglit;
… may nakalaang nakakatiyak na mga lunggati at mga
prioridad;
… nakatuon sa kanyang mga kakayahan at nilulunasan
ang
mga balakid na humahadlang sa kanya;
… binabago ang “masasamang ugali” at pinapalitan ito
ng mga ugali
na
walang mga pagkakautang at mariwasa sa buhay;
… kinikilala at binabago ang maling mga paniniwala
at limitadong mga kaisipan;
… hinahalina ang mga positibong oportunidad at
kaagad sinusunggaban ang mga ito;
… tinutuklas ang mga sikretong nakatago sa likod ng
mga pagkakataon at mga kaganapan;
… pinag-aaralan ang mga pangunahing sangkap upang
umusad nang pasulong;
… ginagamit ang mabisang patnubay ng kanyang
intuwisyon;
… hinaharap ang pinakamalaking pagkatakot ng lahat;
ang pagkatakot
na
hindi malabanan kung anuman ang mangyari;
… nalalaman kung papaano mabisang pamahalaan ang
kanyang mga kabuhayan;
… matatag magplano ng kanyang badyet at mga
prioridad;
… mahusay mag-estima at magbalanse ng kanyang
kinikita at mga gastusin;
… nakalaang maglingkod at laging bukas ang palad sa
mga kinakapos sa buhay;
… at tahasang tunay na Pilipino, sa
Isip, sa Salita, at Gawa.
No comments:
Post a Comment