Matatag kong pinapaniwalaan na ang pamilya ay isang
matibay na moog at pundasyon ng lipunan, at siyang pinakadakilang kaganapan na
pinagmulan natin. At naniniwala din ako na ang pinakamahalagang gawain na
kailangang magawa natin ay nagsisimula sa ating mga tahahan.
Higit na mahalaga bilang obligasyon
mo kung anumang gawain o trabaho ang iyong ginagawa ang pagiging makatao at makapamilya, pati na ang iyong
mga relasyon – sa iyong asawa, mga anak, katrabaho, at mga kaibigan – ang mga
ito ang pinakamahalagang sandigan na iyong maitatatag.
Sa katapusan ng iyong buhay, hindi mo kailanman panghihinayangan na pasadong
muli ka sa isa pang pagsusulit, hindi ang manalo ng isa pang pagsubok o
paligsahan, o ang mabigyang muli ng isa pang malaking proyekto. Ang higit na
panghihinayangan mo ay ang panahong nagdaan na hindi mo nabigyan ng buhay na
makasama ng iyong asawa, anak, kaibigan, at magulang . . . Ang iyong tagumpay
bilang isang bahagi sa ating lipunan ay hindi nakadepende sa posisyon mo sa
trabaho, o puwesto mo sa pamahalaan, at maging modelo ng kotse mo o salapi sa
bangko, kundi kung ano ang nagaganap sa loob ng iyong tahanan.
Napagtanto ko, bilang isang lipunan
ng mga tao na masikhay na gumagawa sa iba’t-ibang larangan ng buhay at
napabayaan ang sariling pamilya, ito na ang simula ng mga kaguluhan,
kapighatian, at matinding kapahamakan sa loob ng tahanan at sa pamayanan.
Ang pamilya
mismo ay isang kataga, “tayo” At isang karanasan, “tayo” na mentalidad. Walang
“ikaw,” at “siya” kundi “tayo” at “kami.”
Huwag
kalimutan na kapag kumikilos ka sa iyong pamilya, ang “mabagal” ay “mabilis” at
ang “mabilis” ay “mabagal.”
Hindi natin
kailangang magmahal. Pinagpapasiyahan nating magmahal.
Ang makagawa
nang higit na maingat, patuloy at walang sawa, at sadyang magiliw na mumunting
mga bagay ay hindi isang maliit na
bagay.
Palaging
mangusap tungkol sa iba na tila sila ay nakaharap din sa usapan.
Ang paraan
kung papaano mo tinatrato ang anumang relasyon sa pamilya ang siyang tahasang
makakaapekto sa bawa’t relasyon sa pamilya.
Laging kang
magiging biktima hanggang hindi ka nagpapatawad.
Hindi ang
tuklaw ng ahas ang siyang nakakagawa ng seryosong pinsala, kundi ang paghabol
sa ahas na siyang lumalason sa puso.
Sa realidad,
ang mga katapusan at mga paraan kung papaano ito ginawa – ang destinasyon at
ang paglalakbay – ay magkakatulad.
Kapag
nagpapalaki ka ng mga anak, nagpapalaki ka din ng mga apo. Ang balangkas ay
nagpapatuloy. Hindi natatapos ang pagiging magulang kahit tumanda na ang mga
anak.
No comments:
Post a Comment