Nasa ating pakikiisa at sama-samang mga pagkilos lamang makakamtan ang ating tagumpay.
Isang araw namamasyal ang elepante, nang makita niya ang pipit na nakatihaya sa lupa at nakataas ang dalawa nitong mga malilit na paa sa hangin.
“Aba, anong ginagawa mo?” Ang urirat ng elepante na hindi maarok ang nakitang ginagawa ng pipit.
Napahagikgik ng tawa ang elepante sa narinig mula sa pipit at nakangising nagtanong ito, “ Sa palagay mo ba’y sa liit ng iyong mga paa ay makakatulong kang itukod ang mga iyan sa pagbagsak ng langit?”
Napakurap ang pipit, ngunit ipinagpatuloy ang pagtaas ng kanyang mga paa sa hangin, at magiting na sumagot, “Hindi ako nag-iisa. Subalit bawa’t isa sa atin ay kinakailangang makatulong. At ito ang tangi ko lamang na makakayanan.”
Lungsod ng Balanga, Bataan
No comments:
Post a Comment