Malaki ang mga pagkakaiba ng mga ito:
Mulat -Laging nakadilat ang
mga mata at nababatid ang nagaganap sa kanyang kapaligiran. Handang dumamay at
makipagtulungan.
Gising -Paminsan-minsan
nagigising at sandaling nalalaman ang kaganapan ngunit madalas makalimot at
nag-iiba ang mga iniisip. Hindi nakakatiyak sa intensiyon kung ito nga ang
nais.
Idlip -Laging
naiidlip kahit nakadilat ang mga mata. Ligalig at nakatuon sa nakaraan at nag-
aalaala sa hinaharap. Madalas makalimutan
ang kasalukuyan. Palaasa at laging naghihintay sa
mangyayari.
Tulog -Walang
kamalayan o pakialam sa mga kaganapan sa kanyang paligid. Hindi maaasahan.
Natutulog -Hindi
maaaring abalahin. Laging takot, higit na mahalaga ang magsarili nang hindi
masangkot. Idinadaan na lamang nag mga
problema sa pagkalimot.
Nagtutulog-tulugan - Mahirap gisingin, Walang pakialam, anumang mangyari, kahit lantaran
na ang mga kabuktutan at kamalasan. Higit
pang ninanasa ang manood na lamang at mag-
usisa nang walang anumang solusyon na
ginagawa.
Narito ang tunay na may KAMULATAN
Batid at namamalayan ang mga pagkakaiba ng mga isinasaad
sa itaas. Hindi niya hinahayaan na makapanaig ang mga ito sa kanyang isipan,
emosyon, at mga gawain.
Siya mismo ang nasusunod at hindi ang kanyang isipan.
Kung ano ang higit na mahalaga naroon ang kanyang puso.
No comments:
Post a Comment