Sa lahat ng
sandali ay laging may bumubulong na mahiwaga at munting tinig sa ating
isipan. Dalawang uri ito; positibo at negatibo, kaligayahan at kapighatian,
tagumpay at kabiguan, pagkabuhay at kamatayan.
At nasa iyong kapangyarihan kung sino ang susundin mo. Kung sino ang
lagi mong sinusunod AT nangingibabaw sa lahat ng sandali ng iyong buhay, ...ito
ang
lumilikha ng iyong kapalaran.
Kunin Lamang ang Nakakabuti
Hindi lahat ng
nasa iyong harapan o hapag ay kukunin mo nang buo. Kahit papaano ay may
aalisin ka. Katulad sa pagkain ng isda, ang laman lamang ang maaaring isubo
hindi ang mga kaliskis at mga tinik nito. Ganito din sa relasyon, tanggapin at
gayahin ang mabubuti. Iwasan at huwag nang pamarisan o dagdagan pa ang mga
kasakitan at wala sa katwiran.
Bawal ang Manggaya
Iwasang ikumpara
ang iyong buhay sa iba at huwag hatulan sila. Hindi mo naranasan o ganap na mauunawaan
ang nagawa nilang paglalakbay sa buhay.
Hayaan Sila
Kung nais mong
talaga na maipamuhay ang iyong buhay na maligaya at matagumpay, marami ang
hindi masisiyahan sa magaganap sa iyo. Mayroong maiinggit, maninibugho,
magagalit, mamimintas at maninira. Marami sa kanila ang hindi matatanggap na
nalagpasan mo sila, kung bakit nagawa mo ito at kung papaano. Subalit ang mga
taong ito ay walang kinalaman anumang tungkol sa iyong buhay. IKAW lamang at
hindi sila ang may tungkulin para sa iyong sarili.
... at ang pinakamahalaga, bago mo lisanin ang mundong ito, patugtugin mo naman ang iyong musika.
No comments:
Post a Comment