Maging masaya at palaging tumawa
Ngumiti, tumawa at
humalakhak gaano man kabigat ang problema, dahil naisin mo man o hindi kusa
itong magwawakas. Damahin ang kasalukuyan at pagindapatin ito kaysa maligalig
sa nakaraan at katakutan ang hinaharap. Ang tanging may kapangyarihan ka na
makagawa ng pagbabago ay hindi kahapon o bukas kundi NGAYON.
Bilangguang walang rehas
Iwasang maging
bilanggo ka ng iyong nakaraan kapag lagi mong binabalikan at binubuhay ang
iyong mga kamalian. Payapain ang iyong nakaraan at iwaglit na ito sa isipan,
upang hindi makawasak sa kasalukuyan.
Problema na Huwag nang Problemahin pa
Mapabuti o
mapasama man, ngumiti lamang at ang lahat ay madali na lamang. Hindi ikaw
ang may-ari ng lahat ng problema sa mundong ito.
Ang problema ay hindi pinag-uusapan kundi nilulunasan.
No comments:
Post a Comment