INTUWISYON:
Tuwirang kaalaman
kung ano ang tunay at naaayon sa bawat sitwasyon nang hindi kailangan ang
katibayan; isang persepsyon o pananaw na nalilikha kapag ang katawan, mga
emosyon, isipan, at ispiritu ay magkakasabay na kumikilos at nag-uugnayan
habang lubos na nakatuon sa kasalukuyang sandali; isang kamalayang nakadarama
at nakakaunawa sa pagkakaisa ng lahat ng nabubuhay na mga bagay at nakakaranas
ng pagkakaisa, pagdadamayan, at pagtutulungan na likhain ang kalikasan ng
buhay.
Napansin
Mo ba?
Ang kalangitan
ay walang Silanganan, maging Hilaga o Timog at pati Kanluran ... ni walang
pagkakaiba sa pagitan nito, niyan, iyon, niyon, iyan, at ito. Ang mga
pagkakaiba o pinagkaiba ng lahat ay nagsisimula lamang sa mga kaisipan ng tao
mismo. Alisin lamang ang taguri, label, pagpapangalan o pagkakakilanlan...
magiging madilim ang lahat. Kapag wala ng kataga na ihahambing, ano pa ang
iyong magagawa? Wala nang imahinasyon na magsisimula.
Pag-ikot ng Mundo
Ang mundo ay
umiikot nang walang hinto. Naglalakbay ito ng napakabilis at libu-libong
milya sa bawat segundo, sa loob ng 60 segundo o isang minuto, 60 minuto o isang
oras, 24 na oras o isang araw, 28-30-31 na araw o isang buwan, 12 buwan o isang
taon... bago maikot ang Inang Araw. Wala itong kinikilingan o paborito, kahit
anong bagay, banal o demonyo mang tao. Sisilay at maghahandog ito ng kanyang
liwanag at init para biyayaan ang sinuman. Wala itong pakialam purihin man o
sumbatan, sapagkat ito ang kanyang katungkulan.
---at ang pinakamahalaga sa lahat, wala itong relihiyon, sekta, o grupo na sinusunod.
No comments:
Post a Comment