Thursday, June 27, 2019

Gaano ba Karami ang Sapat?


Ang sagot ng isa, "Humigit-kumulang ay eksakto!" Sabad naman ng katabi, "Walang labis, walang kulang!" Dugtong ng pangatlo, "Walang bawas, walang dagdag!" At tinapos ng huli, "Hindi kapos, ngunit pantay!"
...ang tamang kasagutan para dito ay... KULANG!
Dahil walang palabis o karampatang dagdag. Madalas nating naririnig, "Magkano ang sahod mo sa isang buwan?" Umiiling na sumagot ito, "Sapat lamang sa aming pangangailangan. Sa ibang gastusin, talagang kinakapos kami." Sa madaling sabi, "Isang kahig, isang tuka! Eto... ang buhay namin, SAPAT lamang."
At sabay na naghimutok, "Basta makaraos, at nabubuhay pa... puwede na."

3 Uri ng Pagmasid
1-Karaniwan o ordinaryo -Sapat o kuntento na. Konting bubong at manipis na kumot ay pinagtitiisan.
2-Di-pangkaraniwan -Humihingi ng umento, at hindi masaya. Palaging umaasa at naghihintay ng milagro.
3-Ekstra-ordinaryo -Hindi kuntento, karagdagang kumikilos at pinipilit na mabago ang kalagayan sa buhay.
Saang puwesto dito ikaw nakalagay?

No comments:

Post a Comment