Hindi ko maubos malirip kung bakit sa kabila ng mga pangungusap ni Hesus tungkol sa pananalig ay patuloy pa rin ang mga pagsamba sa mga bagay na bato, kahoy, tisa, bakal, marbol, at kung anu-ano pang mga bagay na pinipilit ilarawan sa iba't-ibang hugis at anyo kung sino talaga Siya. Sangkaterbang mga santo at santa, at pati na ang Kanyang ina na si Maria ay walang pakundangang dinidiyos na rin.
Alin nga ba ang talagang tama?
Narito ang ilan lamang na mga paglilinaw:
Jesus Christ said:
MATTHEW 6:6 - "But, when you pray, go into your room and shut the door, and pray to your Father who is in secret, and your Father who is in secret, will reward you"..
Ang susog ng iba: Huwag na huwag kang gagamit ng taga-pamagitan o fixer (pari, pastor, ministro, obispo at naka-balatkayong mga komerssiyal na propeta ng simbahan at kulto , na nagduduyan sa iyo para makuha ang iyong pinaghirapang pera. Umiwas at mabilisang tumakbo. Lumayo kapag may pera na hinihingi o donasyon para sa samut-saring mga palusot at pakulo na ginagamit ang relihiyon. Gayong mismo si Hesus ay walang relihiyon na sumisira at nagwawatak-watak para sa mga tao na magkahiwalay at maglaban kung sino ang tama.
Dugtong pa nila, "Kung tunay at wagas ang iyong paglilingkod para sa Diyos, bakit nanghihingi ka ng bayad? Ang maglingkod ba ng tapat sa Diyos ay may bayad?
Hindi ba binagggit sa Biblia, "...na sa sarili mong pawis manggagaling ang iyong kakainin at hindi sa ibang tao?"
BAKIT ka "magdadasal sa mga bato, kahoy, semento, etc." = graven images or idols. Na maaring "pugad ng mga demonyo".... ayon sa ating "gising" na Pangulo.
Pag-aralan nang masinsinan kung bakit patuloy ang pananakot tungkol sa Impierno at Paraiso. Totoo ba ang mga ito? Bakit kailangan pa ang magbayad para maligtas?
ACTS 17:24 - "The God who made the World and everything in it, being Lord in Heaven and Earth, does not live in 'shrines made by men"...
VIOLATING God's Law, "a perfect law": 1st Commandment - Exodus 20:3, and 2nd Commandment - Exodus 20:4,5,6..
(a) 1st - Exodus 20:3 - "You shall have no other gods before Me".
(b.1) 2nd - Exodus 20:4, - "You shall not make graven images",
(b,2) Exodus 20:5 - "Adore nor worship them, for I the Lord your God, Am a jealous God punishing the sins of the father's and children from the 3rd and 4th generations of those who hate Me".
(b.3) Exodus 20:6 - "But give My steadfast love to those who love Me and obey My Commandments"..
CHRIST said: JOHN 8:32 - "And you will know the Truth, and the Truth will set you free"...
Magising na po tayo, at sumunod nang may katotohanan ayon sa Kaluwalhatian.
No comments:
Post a Comment